Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 13
- Sampung pulis patay sa pag-atake noong Linggo sa isang base sa lalawigan ng Dai Kundi sa gitnang Apganistan. (TVNZ)
- Mahigit dalawang katao patay at 20 pa sugatan sa pagtatakbuhan sa isang konsyerto sa Baybaying Garing. (BBC) (Philippine Inquirer)
- Awtoridad ng Beneswela naglabas ng sub poena sa pinuno ng Globovisión, ang nag-iisang indepenyenteng estasyon ng telebisyon sa bansa, na kritiko ni Pangulong Hugo Chávez. (Aljazeera)
- 24 katao sugatan sa pagsabog sa kasagsagan ng kilos protesta kontra sa bagong planong saligang batas sa kabisera ng Kenya na Nairobi. (BBC) (Capital FM)
- Labanan ng pwersa ng pamahalaan at pulis sa Somalia nag-iwan ng hindi bababa sa labintatlong kataong patay at labingapat na sugatan sa Mogadishu. (Al Jazeera) (Reuters Africa)
- Dalawang katao patay at anim pa sugatan sa apat na pagsabog malapit sa tarangkahan ng gusali ng bangko sentral sa Baghdad. (Xinhua)
- FIFA sinabing tutulongan nila ang Al Jazeera Sports sa imbestigasyon sa pagsabotahe sa signal ng Pandaigdigang Laro ng Sipaan ng Bola 2010. (Business Week) (Hindustan Times) (The Zimbabwean)
- Wen Jiabao, ang Punong Ministro ng Tsina at Punong Ministro ng Hapon Naoto Kan napagkasunduang magtatag ng linya para as Punong Ministro sa pagitan ng dalawang pinunong pamahalaan. (Xinhua)
- Pinakamatandang opisyal ng militar ng Britanya, Jock Stirrup, magbitaw bago pa ang kanyang pagreretiro sa Abril 2011, ayon sa kalihim ng tanggulan na si Liam Fox, dahil sa hindi tamang paghawak nito sa pakikidigma ng bansa. (BBC) (The Irish Times) (Xinhua)
- Pinag-isipan umano ng pamahalaan ng Nagkakaisang Kaharian na hindi aprubahan ang bisa ng koponan ng sipaang bola ng Hilagang Korea para makadalo sa Pandaigdigang Laro ng Sipaan ng Bola 1966 Inglatera ayon sa isang opisyal na dokumento, dahil umano sa takot sa "diplomatic shockwaves" na dala ng Komunismo. (BBC) (AFP) (The Belfast Telegraph) (RTHK)