Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 2
- Punong Ministro Yukio Hatoyama ng Hapon nagbitiw matapos na hindi niya matupad ang kanyang pangako sa kampanya na tatanggalin ang base militar ng Estados Unidos sa Okinawa. (Aljazeera) (AP via Yahoo News) (Wall Street Journal)
- Pamamaril sa Cumbria noong 2010:
- Hindi bababa sa 12 katao patay at 25 pa ang sugatan sa pamamaril ng isang tsuper ng taksi sa mga lugar ng Whitehaven, Egremont at Seascale sa kanlurang Cumbria, England. Natagpuang patay ang tsuper, na hinihinalang nagpakamatay, sa Boot. (Cumbria Police) (BBC) (The Guardian) (RTÉ) (The Times) (Los Angeles Times)
- Kumpirmadong ito na ang pinakamalalang insidente ng ganitong uri sa UK simula noong 1996 pamamaslang sa Dunblane. (TIME) (Aljazeera)
- Labing-apat na katao patay at ilan pa nasugatan sa pagguho ng apat na palapag na gusali sa Tejgaon, Dhaka. (BBC)
- Pangulong Jacob Zuma ng Timog Aprika pumunta sa Indiya sa kanyang unang pagbisitang estado sa Asya, at naglunsad ng dalawang panig na ugnayan sa pangangalakal sa Mumbai. (BBC)
- Tatlong katao patay at anim pa ang sugatan matapos sumabog ang bombang naiwan mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig habang sinusubukan itong idefuse sa Göttingen, Lower Saxony. (AFP) (Aljazeera) (BBC) (The Times of India)
- Pangulo ng Bagong Kaledonia Philippe Gomès idenimanda dahil sa di-umano'y di maayos na paggamit ng mga kontrata sa negosyo. (RNZI)
- Pangulong Hamid Karzai ng Apganistan, pinasinayaan na ang pambansang kumperensiya para sa kapayapaan para sa pakikipag-usap sa mga Taliban. Isang kuwitis ang tumama malapit sa pinagdarausan ng konprensa sa Kabul at isang tao ang nagpasabog ng kanyang saili sa labas ng kumperensiya. (Aljazeera) (AP via Palm Beach Post), (AP via Google News)
- Pamahalaan ng Timog Korea nagpahayag na maglalaan sila ng 11.3 bilyong won (US$9.3 milyon) hanggang 2013 para suportahan ang pananaliksik sa tatlong dimensiyong teknolohiya ng 3D TV. (Yonhap News)
- Pangulo ng Lombardia, Roberto Formigoni, inalok ang mga buntis na kababaihan nang €4,500 Euro kung hindi sila nagkaroon ng pagpapalaglag: masayang tinanggap ito ng mga laban sa pagpapalglag samantalang tinawag naman itong propaganda ng mga kritiko. (BBC) (The Times)