Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 24
- Mga awtoridad ng Belhika sinalakay ang punong himpilan ng Simbahang Katoliko sa bansa dahil sa imbestigasyon ng sekswal na pang-aabuso sa mga bata, ang pagkilos ay bunsod sa mga usap-usapan na pinagtatakpan ito. (BBC) (The Guardian) (Aljazeera) (The New York Times) (RTÉ) (The Age)
- Punong Ministro ng Awstralya Kevin Rudd nagbitiw matapos kwestyunin ang kanyang pamumuno dahil sa biglaan pagbaba ng kanyang popularidad nitong mga nakaraang buwan. Julia Gillard naging unang babaeng Punong Ministro ng Awstralya. (SMH)
- Hindi bababa sa labingdalawang katao ang patay at labingpito pa ang sugatan, sa aksidente sa tren sa Castelldefels, malapit sa Barcelona. (El País) (BBC News)
- Pinaka-importanteng pinaghahanap na suspek sa terorismo na si Abdullah Sunata at ilan pa nahuli na Indonesya. (Jakarta Post) (ABC News) (New York Times) (Al Jazeera) (AP via Google)
- Sri Lanka ipinahayag na hindi nila papayagang pumasok sa bansa ang lupon na mag-iimbestiga sa paglabag sa karapatang-pantao ng Nagkakaisang mga Bansa. (BBC) (Times of India)