Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Marso 11
- Dalawang bata hindi pinayagang magpatala ng arkidiyosesis ng Denver sa isang paaralan ng simbahan sa Boulder, Colorado, Estados Unidos dahil ang kanilang mga magulang ay mga tomboy. (The Straits Times)
- Mahigit 30,000 manggagawang Griyego naglunsad ng protesta laban sa pamahalaan. (BBC) (Al Jazeera) (RTÉ)
- Daan-daang galit na mga babae nagmartsa sa mga lansangan ng Abuja at Jos matapos ang masaker kamakailan sa Nigeria. (BBC)
- Mahigit 20 sibilyan patay sa ikalawang araw ng kaguluhan sa pagitan ng mga pwersa ng pamahalaan ng Somalia at ng oposisyon sa Mogadishu. (Al Jazeera)
- Ilang katao inaresto sa Ang Gambiya, kasama na ang dating ministro ng pangingisda na si Antouman Saho, nang walang sabi-sabi. (BBC)
- Panunumpa ni Sebastián Piñera bilang Pangulo ng Tsile sinalubong ng aftershock ng lindol noong Pebrero—6.9 at 6.7 magnitude—na tumama sa 140 kilometro (87 mi) timog ng Valparaíso. (BBC) (MercoPress)
- Apganistan: Limang sibilyan, kasama ang apat na mga bata ang namatay sa pagsabog, samantalang dalawang kontratista, ang isa'y galing sa Aprika ang binaril at napatay. (Reuters)
- Bansang Turkiya pinauwi ang kanilang embahador sa Suwesya at kinansela ang nakatakdang usapan sa pagitan ng dalawang bansa sa Marso 17 matapos ituring nang Parlamento ng Suwesya ang pagpatay ng lahi sa Armenia bilang isang pagpatay ng lahi. (Armenian Weekly) (Deutsche Welle) (Radio Netherlands Worldwide) (RTÉ) (Reuters)