Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Marso 19
- Dating Pangalawang Pangulo ng Iran Hossein Marashi ikinulong matapos akusahan ng pagpapalabas ng mga propaganda. (BBC) (TIME) (FOX News) (MSNBC)
- Pekeng balita na nagsasabing hindi bababa sa 200 katao ang namatay sa insidente sa minahan sa Bo, Sierra Leone, naging pangunahing balita sa buong mundo. (The Washington Post) (Reuters)
- Hindi bababa sa 13 katao namatay sa kaguluhan sa Sudan. (Al Jazeera)
- Pangulong Ali Abdullah Saleh ng Yemen nagdeklara nang pagtatapos sa anim na taong pakikidigma ng bana sa Houthis. (Al Jazeera)
- Papa Benedicto XVI nilagdaan ang kanyang liham sa mga Katoliko sa Irlanda, at ipinadala bilang unang opisyal na tugon sa isyu ng pang-aaabusong sekswal sa mga kabataan at ilalathala ng Batikano sa Sabado at babasahin sa misa sa Linggo. (The Irish Times) (CBC) (Deutsche Welle) (Christian Science Monitor) (CNN)
- Komisyon ng Tulong sa Kalamidadad ng Tsina sinabing naapektuhan ng matinding tagtuyot ang 51 milyong mga Intsik at ang pagkukulang ng maiinom ng mahigit 16 milyong katao at 11 milyong mga hayop. (Xinhua)
- Gitnang Silangan:
- Manunulat mula sa Arabyang Saudi kinasuhan ng paglapastangan sa Diyos matapos ilarawan ang isang hadith ni Propeta Muhammad bilang "barbaro". (Arabian Business News) (Arab News)
- Bansang Israel naglunsad ng pagsalakay mula sa himpapawid sa isang lagusan ng pagpupuslit at gawaan ng metal sa Gaza, bilang tugon sa pag-atake ng Palestina na kumitil ng mangagawang Thai sa Israel. Nagprotesta naman ang mga Palestina sa Hebron sa pambabato sa mga Hukbo ng Seguridad ng Israel. (Russia Today) (The New York Times)
- Quartet sa Gitnang Silangan kinondena ang Israel sa pagpapahayag ng planong pagtatayo ng mga bagong bahay sa Silangang Herusalem at nanawagan rin sa Israel na ihinto ang pagtatayo sa mga nasasakupan ng Palestina. (BBC) (The Hindu)
- Israel nagpadala ng reklamo sa Kalihim-Heneral ng Mga Bansang Nagkakaisa na si Ban Ki-moon at sa Kapulungang Panseguridad ukol sa pag-atake mula sa Gaza. (The Daily Telegraph)
- Hukom sa Estados Unidos binasura ang $657.5 milyong kasunduan para sa 10,000 mga taong may kaugnayan sa dulot ng 9/11. (BBC) (Miami Herald) (The New York Times)