Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Mayo 30
- Bilang ng namatay sa aksidente sa bus sa Kamerun kahapon umakyat na sa mahigit 30 katao at inaasahan pang tumaas ang bilang na ito. Nahati sa dalawang piraso ang bus matapos itong gumulong sa isang burol ng ilang beses. (Al Jazeera) (news.com.au) (AFP)
- Punong Ministro Recep Tayyip Erdogan ng Turkiya kinaligtaan ang Arhentina sa kanyang pagbisita sa Timog Amerika, mas pinili niyang tumuloy sa Tsile matapos manawagan ang ilang opisyal ng Buenos Aires sa nangyaring pagpaparangal kay Mustafa Kemal Atatürk dahil sa itinuturing nang Turkiya na pakikialam ng isang grupo ng mga taga Armenya. interference from Armenian pressure groups. (BBC)
- Ikalawang kompanya ng mga gamot mula sa Dinamarka, Leo Pharma, sinuspende na rin ang pagbebenta ng mga gamot sa Gresya dahil sa desisyon ng pamahalaan na pababain ang presyon ng gamot doon. Kinondena naman ito ng pamahalaan at sinabing hindi ito makatarungan. (BBC)
- Napag-alamang isang negosyanteng Briton ang isa sa 93 kataong namatay sa kambal na pag-atake sa moske sa Pakistan noong Biyernes. (BBC)
- Pagsabog ng isang bomba sa daan kumitil ng pitong pulis at nagdulot ng pagkasugat ng iba pa sa Distrito ng Darayim, Badakhshan. (Al Jazeera)
- Bansang Tsina hinikayat Hilaga at Timog Korea na iwasan ang magulong labanan matapos ang paglubog ng sasayang pandigma sa dagat ng Timog Korea. (CNN) (China Daily)
- Bansang Bangladesh ipinagbawal ang paggamit ng Facebook matapos mailagay doon ang mga nanunuyang larawan ng propetang si Muhammad at mga pinuno ng bansa. (BBC) (AFP) (Al Jazeera)
- Halalan sa Pagkapangulo ng Kolombiya:
- Álvaro Uribe mapapalitan na matapos ang dalawang termino. (BBC) (Philippine Daily Inquirer) (Al Jazeera)
- Juan Manuel Santos nanalo sa unang yugto ng halalan subalit hindi nakakuha ng mayorya, makakatunggali niya sa ikalawang yugto gaganapin sa ika-20 ng Hunyo si Antanas Mockus. (Colombia Reports)