Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Oktubre 2
- Milyon-milyong katao nagprotesta sa mga lansangan ng Pransiya sa ikatlong araw ng mahigit 200 protesta laban sa plano ni Pangulong Nicolas Sarkozy na itaas ang edad ng pagreretiro mula 60 tungong 62. (Xinhua) (BBC) (Reuters)
- Libu-libong katao nagprotesta sa Washington, D.C. na nananawagan para sa mas magandang karapatang sibil sa bansa. (CNN) (Al Jazeera)
- Ilang katao arestado sa Iran sa paghihinalang mga espiya ang mga ito ng mga ahensiya ng karunungan ng ibang bansa sa mga pasilidad na nukleyar ng bansa. (Al Jazeera) (The Observer)
- Ika-60 patimpalak ng Miss World, Miss World 2010, nagsimula na sa pagdating ng huling kasali mula sa 120 mga bansa sa Tsina. (Globalbeauties)
- Mga botante sa Latbiya bumoto para sa pang-parlamentong halalan. (Latvians Online) (Reuters)