Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Pebrero 17
- Hindi bababa sa 22 katao patay sa pangbangga ng bus sa Hilagang Indiya. (ABC)(BBC)
- Tatlo ang patay at mahigit 2,000 pa ang inilikas mula sa kanilang mga bahay matapos tumagas ang isang kemikal sa daungan sa lalawigan ng Batangas sa Pilipinas. (GMA News)(PhilStar)(Philippine Daily Inquirer)
- Tatlong katao ang namatay sa Pakistan matapos tamaan ang isang bahay ng misayl na pinaghihinalaang galing sa isang drone ng Estados Unidos. (AP)(BBC)
- Pinakamataas na bilang ng namatay na mga mamamahayag naitala sa 70 noong taong 2009 kung saan 31 ang sa Pilipinas. (BBC)(Philippine Daily Inquirer)
- Apela para sa kasong sodomya ni Anwar Ibrahim ibinasura ng hukuman ng apela ng Malaysia. (Sydney Morning Herald)(The Sun Daily)(BBC)