Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Pebrero 6
- Pinuno ng tanggapan ng pakikipag-ugnayan ng Partido Komunista ng Tsina na si Wang Jiarui dumating sa Hilagang Korea bilang "tapat na pagbisita" sa paanyaya sa imbitasyon ng Partido ng Manggagawa ng Korea. (AFP)(Tehran Times)(The Straits Times)
- Nagkasundo ang mga bansa sa Pangkat ng Pito na isulat ang mga utang ng Haiti matapos ang isang kumperensiya sa Iqaluit, Nunavut. (BBC)
- Bangko ng Espanya pinahayag na bumagsak ng 3.6% ang Ekonomiya ng Espanya noong 2009, ang pinakamalala sa buong dekada. (Mercopress) (Reuters)(Business Spectator)
- Isang kompanyan ng pagmimina mula sa Australia pumirma ng $70 bilyong kasunduan na tustusan uling ang mga planta ng kuryente sa Tsina, ang pinakamalaking kasunduan ng pag-angkat ng Tsina. (BBC)(The Hindu) (Sydney Morning Herald)
- Dating Katulong na Pangunahing Ministro ng Hilagang Irlanda, Mark Durkan, nagbitiw na sa tungkulin bilang pinuno ng Social Democratic and Labour Party (SDLP). (The Belfast Telegraph) (The Irish Times)
- Inamin ng Pulisya ng Apganistan na binaril nila at napatay ang pitong sibilyan kasama na ang dalawang bata habang namumulot ang mga ito ng panggatong sa Spin Boldak, Kandahar noong Huwebes. (Reuters)(Press TV) (France24)
- 23 na sundalong Yemeni napatay ng Houthis sa dalawang magkahiwalay na insidente: 15 ang tinambangan sa Wadi al-Jabara, samantalang ang walo pa ay namatay sa Sa'dah. (Press TV)
- Isang paaralang pambabae sa Huwaid, Pakistan pinasabog ng Taliban, walang namatay sa insedente. (AFP)
- Bansang Tsina madiing tinutulan ang nalalapit na pagpupulong ng Dalai Lama at ng Pangulo ng Estados Unidos na si Barrack Obama. (AFP)(Sydney Morning Herald)(The Telegraph)