Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2012 Mayo 1
- Alitang armado at mga pag-atake
- Pag-aalsa sa Syria: Sinabi ng United Nations na lumabag ang gobyerno at ang oposisyon sa tigil-putukan. (Al Jazeera)
- Pag-aalsa sa Bahrain: Hinarang ng polisya ang mga nagpoprotesta sa kabisera nilang Manama. (Reuters)
- Humigit 20 katao ang inaresto dahil sa malawakang imbestigasyon kaugnay sa pagpatay sa lawa ng Železarsko sa Republika ng Macedonia. (B92)
- Negosyo at ekonomiya
- Ikaapat na bahagi ng umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno sa Pilipinas, ibibigay na sa Hunyo. GMA News
- Naabot na ng Dow Jones Industrial Average ang pinakamataas nila sa loob ng apat na taon dahil na rin sa matatag na pigurang pagmamanupaktura at sa kita ng kompanmya. (CNN)
- Maraming katao ang nagmartsa at nagprotesta sa Asya, Europa at Hilagang Amerika kaugnay ng mga pagtatanggal sa trabaho, hindi pagkakapantay-pantay, at iba pang nagpapahirap sa mga manggagawa. (Al Jazeera)(Reuters)(The Guardian)(CSMonitor)(MSNBC)(ABC News)
- Tumaas ang benta ng mga sasakyan sa Japan ng 92% sa taon bawat taon, dahil na rin sa pangyayaring lindol at tsunami noong nakaraang taon na nagsanhi ng pagbaba ng benta nito. (Kuwait News Agency)
- Internasyonal na relasyon
- Binisita n Barack Obama ang Afghanistan na nagkasabay sa unang anibersaryo ng pagkakapatay kay Osama Bin Laden ng Espesyal na Pwersa ng E.U.. (BBC)
- Kinansela ng limang pangulo at ng Komisyon ng EU ang pagbisita sa Ukraine pagkatapos ng mabuting pagtrato sa dating punong ministro nito na si Yulia Tymoshenko. (The Sydney Morning Herald)