Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 24
Alitang armado at mga pag-atake
- Iniulat ng Médecins Sans Frontières na kasalukuyang ginagamot ang 3,600 katao na may sintomas ng "neurotoxic", at 355 nasawi sa Sirya.(BBC)
- Sining at Kultura
- Ginunita ng Estados Unidos ang ika-50 anibersaryo ng talumpati ni Martin Luther King, Jr. ang "I Have a Dream" o Mayroon Akong Pangarap. (CNN)
- Naglabas ng selyo ang United States Postal Service para sa paggunita sa nasabing okasyon. (USPS)
- Sakuna at aksidente
- 4 katao ang kumpirmadong namatay dahil sa pagbagsak ng Super Puma L2 isang Eurocopter sa Paliparan ng Sumburgh sa Kapuluan ng Shetland. Sinuspinde ang lahat ng operasyon ng may kaparehas na modelo ng helikopter sa buong mundo. (BBC)
- 150 kaso ng lason sa pagkain ang kinumpirma na mula sa "cronut" na may halong Staphylococcus aureus sa Canadian National Exhibition sa Toronto, Ontario.(CBC)
- Iniulat ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan na umabot na sa 50 katao ang patay at 320,000 ang naapektuhan ng baha sa Sudan. (al Jazeera)
- Batas at krimen
- 30 katao ang nasawi sa isang labanan ng mga sanggano sa kulungan ng Palmasola sa Santa Cruz, Bolivia dahil sa paggamit ng flame throwers.(AP via News24)
- Isang pamamaril sa Gainesville, Florida, ang ikinasawi ng 3 katao kabilang ang salarin at 2 ang sugatan.(CBS Sports)
- Plakasan
- Iniurong ng African Diaspora Maritime Corp. ang kanilang koponan sa America's Cup dahil sa krontrobersya sa patanggi sa kanilang oportunidad na maging tagapag-adya ng Amerika sa kompetisyon dahil sa pangkat etniko.(San Francisco Appeal)