Pinayagan na ng gobyerno ng Sirya ang mga tagapagsiyasat ng UN na bisitahin ang lugar na hinihinalang ginamitan ng kemikal na armas sa pag-atake sa Ghouta sa labas ng bayan ng Damascus.(BBC)
Ilang sunod-sunod na pambobomba sa Irak na ikinasawi ng 41 katao.(BBC)
Isang bomba ang sumabog sa isang bus na may lulang mga tauhan ng Hukbong Himpapawid ng Yemen sa kampo nito malapit sa kapitolyo ng Sana'a, isang opisyal ang nasawi at ilang sugatan.(Reuters)
Sakuna at aksidente
Sinimulan na ng Federal Aviation Administration ng Estados Unidos ang pag-iimbestiga sa pagbagsak ng isang maliit na eroplano na nasunog sa Taunton, Massachusetts, na pinaniniwalaang ikinasawi ng 2 katao. (NBC)
Apat katao ang nasawi at 35 ang sugatan ng madiskaril ang kilalang-kilalang tren ng El tren de la muerte sa munisipalidad ng Huimanguillo sa Tabasco, Mehiko. (Russia Today)(El Universal)
Naiulat na patuloy na lumalaki ang sunog malapit sa Yosemite National Park sa Chicago. (CBS News)