Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Setyembre 17
- Alitang armado at mga pag-atake
- Sinabi ng pinuno ng hukuman ng Mga Nagkakaisang Bansa na kasalukuyang iniimbestigahan ang 14 na hinihinalang paggamit ng kemikal na armas sa pag-atake sa Sirya. (Al-Jazeera)
- Napalaya ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ang dosenang mga katao mula sa pagkakabihag ng mga Moro National Liberation Front sa Lungsod ng Zamboanga. (BBC)
- Internasyonal na relasyon
- Sinabi ni Hassan Rouhani, Pangulo ng Iran na nakipag-ugnayan siya kay Barack Obama, Pangulo ng Estados Unidos sa pamamagitan ng sulat. Natigil ang ugnayan ng dalawang bansa dahil sa Krisis ng Pagdakip sa Iran noong 1980.(Reuters)
- Sakuna at aksidente
- Naiahon na ang kabuuang barko ng Costa Concordia mula sa pinaglubugan nito noong 2012 sa Tuscany sa Italya. (Courier-Mail))
- Batas at krimen
- Hinatulan ng kamatayan si Abdul Kader Mulla ang lider ng partidong Bangladesh Jamaat-e-Islami dahil sa krimeng pandigmaan sa Bangladesh noong 1971.(BBC)