Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Setyembre 6
- Alitang armado at mga pag-atake
- Ayon kay Ban Ki-moon ang Kalihim-Henereral ng Mga Nagkakaisang Bansa na ang aksiyong militar laban sa Sirya ay maaring mag-palala sa kasalukuyang kaharasan sa bansa. (Al Jazeera)
- Nagpadala ang Rusya ng apat na bapor pandigma sa Sirya, isa sa mga ito ay may "espesyal na kargamento". (The Washington Post) [1] (Ynetnews)
- Umatake ang mga hinihinalang miyembro ng militanteng Islamist na armado ng mga baril at gulok sa hilagang-silangang Nigeria na ikinasawi ng 20-katao. (Reuters)
- Kalikasan
- Ang Tamu Massif ang pinakamalaking bulkan sa Daigdig, at isa sa pinakamalaki sa Sistemang solar, ay natagpuan sa Karagatang Pasipiko.National Geographic NBC News CNN
- Ang mailap na Gitnang Batong Daga o Central Rock Rat, huling nakita noong 1960, ay muling natuklasan sa Gitnang Australya. (9 News National)
- Kalusugan
- Ipinagbawal ng Timog Korea ang pag-aangkat ng mga lamang dagat mula sa walong sangay sa bansang Hapon, ito ay alinsunod sa pangamba ng tumagas na radyaktibong tubig mula sa planta ng nukleyar sa Fukushima. (BBC)