Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2014 Abril 12

Alitang armado at mga pag-atake
  • Pinirmahan ng mga Awtoridad ng Palestino ang 15 kasunduan ng karapatang pantao ng UN/Hinebra kabilang na ang Ika-Apat na Kumbensiyon ng Hinebra. Tumugon naman ang Israel sa pagbibigay-parusa. Patuloy pa rin ang usapang pangkapayapaan. (BBC) (Reuters)
  • Muling gumamit ng Kemikal na Armas sa Sirya sa bayan ng Kafr Zita sa Hama.(US News)
  • Nasakop ng mga armadong lalaki ang himpilan ng kapulisan sa bayan ng Slaviansk sa silangang bahagi ng Ukraine. (Reuters)
  • 13-katao ang nasawi sa pambobomba ng mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng Maoist sa silangang Indiyan sa estado ng Chhattisgarh, habang ginaganap ang 2014 Pambansang Halalan. (Reuters)
  • Dinakip ng mga armadong lalaki ang 100 kalalakihan mula sa pagtitipong panlipi sa Hilagang-Kanluran ng Pakistan.(Reuters)
  • Iniulat ni Ahmed Zannah, Senador ng Estado ng Borno, na 135 na sibilyan na ang nasawi sa ginawang pag-atake sa hilagang-kanluran ng Nigerya mula ba noong Miyerkoles. (BBC)
Kalusugan
  • Inanunsuyo ng mga mananaliksik ang bagong gamot na ABT-450 kung saan pinaniniwalang may 90-95% na makakagaling ng sakit na Hepataytis C.(BBC)