Hama
Ang Hama (Arabo: حماة Ḥamāh [ħaˈmaː], "fortress"; Hebreong Biblikal: חֲמָת Ḥamāth) ay isang lungsod sa mga pampang ng Ilog Orontes sa gitna-kanlurang Syria. Matatagpuan ito 213 kilometro (132 milya) hilaga ng Damasco at 46 kilometro (29 milya) hilaga ng Homs. Ito ang kabisera ng Gobernado ng Hama (Hama Governorate). Isa ito sa mga pinakamataong lungsod sa bansa, na may 312,994 katao ayon sa senso noong 2004.[1] Noong 2009, tinataya na may 854,000 katao ang lungsod, at dahil diyan ito ang pang-apat na pinakamataong lungsod sa bansa kasunod ng Aleppo, Damasco, at Homs.[2][3]
Tanyag ang lungsod sa labimpitong noria nito na ginamit sa pagpapatubig ng mga hardin, na sinasabi ng mga taga-lungsod na mula pa sa 1100 B.K.. Bagaman ginamit noon sa irigasyon, nananatili na lamang ang mga noria sa layuning pang-estetiko (o kagandahang panlabas na anyo).
Sa mga huling dekada, naging kilala ang lungsod ng Hama bilang sentro ng oposisyong kontra-Ba'ath sa Syria, lalo na ang Muslim Brotherhood. Sinalakay ng Hukbong Katihan ng Syria ang lungsod, simula sa riot noong 1964, at naging tagpo ng pagpatay ng maraming tao noong Himagsikang Islamismo sa Syria nang naganap ang mga masaker sa lungsod noong 1981 at 1982 kung saan 25,000 katao ang nasawi. Muling naging tagpuan ang lungsod ng laban sa pagitan ng militar ng Syria at pwersang oposisyon bilang isa sa mga pangunahing kaganapan ng Digmaang Sibil sa Syria sa paglusob ng lungsod noong 2011.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "2004 official census" (PDF). cbss. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-03-10. Nakuha noong 4 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Updated: Your Cheat Sheet to the Syrian Conflict". PBS.
- ↑ "Hamah (Syria)". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 3 Hunyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)