Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2014 Mayo 2
- Alitang armado at mga pag-atake
- Nagkaroon ng 24-oras na tigil putukan sa bayan ng Homs sa Sirya upang payagang umalis ang mga rebelde sa kanilang kuta sa gitna ng siyudad kaugnay ng kasalukuyang digmaang sibil sa bansa.(BBC) (Reuters)
- Nasawi ang apat na katao sa Tangway ng Sinai sa Ehipto dahil sa magkakahiwalay na pambobombang pagtitiwakal sa isang lugar ng pagsisiyat pang seguridad, sa isang pampasaherong bus at malapit sa hukuman sa Cairo.(The Washington Post)
- Dalawang katao na taga-suporta ng napatalsik na Pangulong si Mohamed Morsi ang nabaril at napatay sa kaguluhan sa pagitan ng mga taga-suporta at mga residente sa Alexandria.(Reuters)
- Siyam na estudyante ang nasawi sa ginagawang kilos protesta sa Ethiopia sa Rehiyon ng Oromia.(BBC)
- Pinahigpit ang seguridad sa Republika ng Tsina matapos ang pambobomba noong Miyerkoles sa isang estasyon ng tren na ikinasawi ng 3-katao at 79 na sugatan.(Daily Mail)
- Nagsagawa ng operasyong militar ang Sandatahang Lakas ng Ukraine laban sa mga separatistang maka-Rusya sa bayan ng Slavyansk kung saan 2 ang nasawi.(CNN)
- Sakuna at aksidente
- Isang pagguho ng lupa ang sumalanta sa bayan ng Hobo Barik sa Afghanistan sa probinsiya ng Badakhshan na ikinasawi ng 350 katao at mahigit 2000 pa ang nawawala.(USA Today), (AP)