Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2017 Mayo 3
- Sakuna at aksidente
- Isang pagsabog sa minahan ng uling malapit sa Azadshahr sa Iran, ang ikinasawi ng halos 35-minero at pagkasilo ng 39-iba pa, ayon sa midya ng estado. (BBC)
- Isang kotse ang sumalpok sa gitna ng subastahan ng mga sasakyan sa bayan ng Billerica sa Massachusetts na ikinamatay ng tatlong katao at siyam na sugatan, dalawa ang nasa kritikal na kalagayan. (CNN)
- Negosyo at ekonomiya
- Naghain ang Puerto Rico ng pinakamalaking kaso ng Pagkabangkarote sa Lokal na pamahalaan ng Estados Unidos. (Reuters)
- Pulitika at eleksyon
- Nagharap sa isang debate ang dalawang kandidato na sila Emmanuel Macron at Marine Le Pen para sa pagka-Pangulo ng Pransiya.(The Guardian)
- Inakusahan ni Theresa May, pulitikong miyembro ng Konserbatibong Partido ng United Kingdom ang mga opisyal ng Unyong Europeo sa pag-imimpluwensiya nito sa darating na halalan. (The Scotsman)