Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2019 Hulyo 1
- Sakuna
- Higit sa 200 ang nalason sa pagkain sa mga dumalo sa pagdiriwang ng ika-90 kaarawan ng dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos sa Lungsod ng Pasig, Pilipinas. (The Philippine Star)
- Agham at teknolohiya
- Eklipse ng araw ng Hulyo 2, 2019
- Isang buong eklipse ng araw ang nakita mula sa ilang bahagi ng Chile at Arhentina, at sa malawak na kahabaan ng katimugang Pasipiko. (The Santiago Times)
- Ascent Abort-2
- Matagumpay na nailunsad ng NASA ang pagsubok sa loob ng paglipad ng launch abort system (sistema ng pagkansela ng paglunsad) ng bago nito sasakyang pangkalawakan na Orion, isang milyahe sa pagsulong ng programang Artemis upang ipagpatuloy ang paggalugad ng tao lampas ng mababang orbita ng Daigdig. (Space.com)