Nakumpirma ng Estados Unidos ngayon ang 4,459 kaso ng COVID-19, na nagdulot ng 86 patay. Nanatili ang Kanlurang Virginia bilang ang estado na walang kumpirmadong kaso. (CNN)
Nakasara lahat ng paaralang K–12 sa 37 estado ng Estados Unidos sa ngayon, na naapektuhan ang kabuuang 37.4 milyong mag-aaral sa 72,000 paaralan. (Education Week)
Dineklera ni PangulongRodrigo Duterte ang isang "pinagbuting kuwarantinang pamayanan" o "enhanced community quarantine" sa buong Luzon noong ikalawang araw ng pagpapatupad ng pagkuwarantina ng pamayanan sa Kalakhang Maynila. (GMA News)