Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Disyembre 26
Sakuna at aksidente
- Sa Pilipinas, umabot na sa higit sa 370 ang namatay sa hagupit ng Bagyong Odette at inaasahang babalik ang kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo sa Pebrero. (Rappler)
Kalusugan at kalikasan
- Pandemya ng COVID-19
- Pandemya ng COVID-19 sa Asya
- Pandemya ng COVID-19 sa kalupaang Tsina
- Iniulat ng Tsina ang 206 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakaraang 24 oras, na ang pinakamataas na isang-araw na kabuuang bagong kaso sa 21 buwan, na dinadala ang pambasang kabuuan ng kumpirmadong kaso sa 101,077. (The Straits Times)
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
- Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, umabot na ang bilis ng positibidad o positivity rate ng pagkalat ng COVID-19 sa 2%, sa unang pagkakatataon simula noong Nobyembre. (Philippine Star)
- Pandemya ng COVID-19 sa kalupaang Tsina
- Pandemya ng COVID-19 sa Asya
Politika at halalan
- Binuwag ng rehimeng Taliban ang Komisyon ng Malayang Halalan (Independent Election Commission, at sinabing "hindi na kailangang magkaroon ng ganitong komisyon at gumana pa" sa Afghanistan. (Al Jazeera)
- Namatay ang arsobispo ng Timog Aprika at aktibista ng karapatang pantao na si Desmond Tutu sa gulang na 90. (BBC)