Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Enero 8

Kalusugan at kapaligiran

  • Pandemya ng COVID-19
    • Pandemya ng COVID-19 sa Australya, Pag-aalala sa Bariyanteng 202012/01
      • Nailagay ang Brisbane sa lockdown sa loob ng tatlong araw upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19 pagkatapos masuri ang isang tagalinis sa isang otel pangkuwarantena na may isang bagong bariyante ng SARS-CoV-2. Ipinagbawal ng Hilagang Teritoryo at Tasmania ang mga manlalakbay mula Brisbane. (ABC Australia) (The Canberra Times) (News.com.au)
      • Inihayag ng Punong Ministrong Scott Morrison na sinuman manggagaling sa Australya ay kailangang magpresinta ng isang negatibong resulta ng COVID-19 bago ang pag-alis at mandatoryo para sa lahat ang pagsuot ng maskara sa mukha para sa domestiko at internasyunal na pampasaherong lipad sa lahat ng paliparan. Mababawasan ang dami sa internasyunal na pagdating para sa susunod na buwan. (9 News)
    • Pandemya ng COVID-19 sa Bhutan
      • Naiulat sa Bhutan ang unang kamatayan pagkatapos mamatay sa ospital sa Thimphu ang isang 34 na taong gulang lalaki na may kronikong sakit sa atay at pagkabigo sa bato, na nagpositibo sa COVID-19.(Reuters)