Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Marso 22
- Kalusugan at kapaligiran
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
- 8,019 mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Kagawaran ng Kalusugan sa Pilipinas na umabot sa kabuuang kaso na 671,792. Ito ang pinakamataas na bilang na naitala sa bansa mula pa noong nagpatupad ng pagsasara o lockdown noong Marso 2020. (CNN Philippines)
- Internasyunal na ugnayan
- Ugnayang Tsina-Europa
- Nagpataw ang Unyong Europeo ng sansyon laban ilang mga opisyal sa Tsina para sa mga pag-abuso sa karapatang pantao sa Xinjiang. Ito ang unang sansyon ng Europa simula noong mga pagpoprotesta sa Liwasan ng Tiananmen noong 1989. (Reuters)
- Ugnayang Myanmar–Estados Unidos
- Nagpataw ang Estados Unidos ng sansyon laban sa ilang mga opisyal ng militar sa Myanmar para sa supresyon nito sa mga protesta bilang tugon sa kudeta. (CNN)