Naharang ang Kanal ng Suez sa parehong direksyon pagkatapos sumadsad sa hilaga ng Daungan ng Suez sa Ehipto ang kargamentong barko na Ever Given na nakarehistro sa Panama. (BBC)
Tumanggap si Pangulong Moon Jae-in ng dosis ng bakuna ng Oxford-AstraZeneca bilang paghahanda para sa pagbisita sa Reino Unido at dumalo sa pagpupulong G7 sa Hunyo. (The Hill)
Ipinabatid ni Kanselor Angela Merkel na ipinapatupad ng Alemanya ang isang "emerhensiyang preno" at pinalawak ang kanilang pagsasara o lockdown sa buong bansa hanggang Abril 18, na kabilang ang pagsasara ng mga tindahan mula Abril 1 hanggan Abril 5, sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. (DW)
Pandemya ng COVID-19 sa Italya
Iniulat ng Italya ang bagong 551 kamatayan sa nakaraang 24 oras. Ito na ang pinakamalaking bilang sa isang-araw simula noong Enero, sa gayon, umabot na ang kabuuang namatay sa 105,879 sa buong bansa. (Anadolu Agency)
Bakuna ng COVID-19 vaccine
Sinabi ng Pfizer na balak nilang gumawa ng mga bagong bakuna para sa ibang mga bayrus kasunod ng tagumpay ng kanilang kandidatong bakuna para sa COVID-19. (CNBC)