Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2023 Pebrero 5
Sining at kultura
- Ika-65 Taunang Gawad Grammy
- Sa 32 panalo, nagtala ang Amerikanong mang-aawit na si Beyoncé ng isang rekord sa Gawad Grammy para sa pinakamaraming panalo, na nilagpasan ang Ungaryong konduktor na si Georg Solti. (NPR)
Sakuna at aksidente
- Namatay ang walong katao sa Austrya at dalawang iba pa sa Switzerland sa isang serye ng avalanche. (BBC News)
- Hindi bababa sa walang katao ang namatay at 42 iba pa ang nasugatan nang bumangga at tumaob ang isang bus sa Lalawigan ng Afyonkarahisar, Turkiya. (ABC News)
Kalusugan at kalikasan
- Iniulat ng Timog Aprika ang nakuhang kaso ng kolera na nagmula sa labas sa dalawang magkapatid na babae na naglalakbay sa Malawi. (Reuters)
- Pandemya ng COVID-19
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
- Nagtala ang Pilipinas ng 1,102 bagong kaso ng COVID-19 mula Enero 30 hanggang Pebrero 5, 2023. Ito ang unang pagkakataon sa 39 linggo na pag-uulat na walang malala o kritikal na kaso. (GMA News)
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas