Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2024 Hunyo 19
Pandaigdigang ugnayan
- Naglabas ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng mga litrato kaugnay sa "mapuwersa, agresibo at barbarikong aksyon" ng Tanod Baybayin ng Tsina noong misyong humanitaryong at muling-pagtustos nila sa BRP Sierra Madre sa Buhanginan ng Ayungin. (ABS-CBN)
Politika at halalan
- Nagbitiw si Pangalawang Pangulo Sara Duterte ng Pilipinas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa kabila ng tensyon namamagitan kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng pamilya ni Sara partikular ang kanyang ama at dating Pangulong Rodrigo Duterte. (Philippine Star)
- Inulat ng Human Rights Watch (Pagtatanod sa Karapatng Pantao) na binago ng Tsina ang pangalan ng daan-daang nayong tinitirhan ng mga Uyghur upang isalamin ang namamayaning ideolohiya ng Partido Komunista. (DW)
- Nagpasa ang Parlamentong Italyano ng batas na ginagawad ang mas maraming awtonomiya sa mga rehiyon ng Italya kasunod ng isang gabi ng pagtatalo. Nagpahayag ang oposisyong Partido Demokratiko at dating Punong Ministro Matteo Renzi ng pagtutuol sa batas, na naglunsad ang huli ng isang kampanya upang ipuwersa ang isang reperendum. (Reuters)
- Idineklera ng Pangulo ng Timog Korea na si Yoon Suk Yeol ng 'emerhensiya sa pambansang demograpiko'. (Yonhap)