Wikipedia:Mga nominasyon para sa Napiling Artikulo at Larawan/Rogationist College
Rogationist College (Kabite)
baguhinartikulo (suleras), nominasyon ni Felipe Aira
- Tutol. maraming pulang kawing ang artikulong ito, ang mga lyrics ng isang awitin ay hindi isinasama sa mga artikulo dahil ito ay isang primary source at maaaring may karapatang-ari, ang logo ng paaralan (na naka-karapatang ari) ay dalawang beses ginamit sa artikulo, isang bahagi ng artikulo ay may photo gallery na parang isang brochure ng isang anunsyo, ipinigbabawal ang mga artikulo na may section na parang advertisement, ang seksyon na paunawa ay trivial hangga't maaari, iniiwasan ang mga trivia sections sa wikipedia. --RebSkii 08:55, 1 Disyembre 2007 (UTC)
- Sagot Huwag namang pong sisihin ang artikulo dahil sa kakulangan ng mga sapat na mga artikulo rito sa Wikipedya. Binura ko na ang liriko ng awit, pinaliit ang tanghalan, at inalis ang seksyong trivia. Sana ay sapat na ito. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 00:23, 21 Disyembre 2007 (UTC)
- Sang-ayon Sa tingin ko, sapat na ang nilalamang kaalaman ng artikulo at maayos ang pagkakapresenta para matawag na isang napiling artikulo. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 00:23, 21 Disyembre 2007 (UTC)
- Ako rin (sori makiki-sawsaw) ay sumasangayon. Dahil kakaunti lang ang mga napiling artikulo sa Unang pahina ng Wikipedia. Estudyante 03:10, 5 Enero 2008 (UTC)
- Komento. Bakit kailangan pang lagyan ng kawing ang "Kolehiyong Rogasyonista" kung ang patutunguhan din nito ay ang mismong artikulo? Starczamora 14:36, 5 Enero 2008 (UTC)
- Sige tatanggalin ko iyon. -- Felipe Aira 01:35, 6 Enero 2008 (UTC)
- Starczamora mukhang naaksyunan ko na ang iyong naunang puna, maaari bang paki lagyan ng <s> [ang teksto]</s> (Gitnang guhit/strikethrough) ang iyong puna kapag ito ay naaksyunan na. -- Felipe Aira 10:32, 8 Enero 2008 (UTC)
- Sige tatanggalin ko iyon. -- Felipe Aira 01:35, 6 Enero 2008 (UTC)
- Komento uli. Tila masyadong maraming larawang ang artikulong ito kung ihahambing sa haba nito. Gayundin, may mga larawan gaya nito na naging sanhi ng hindi kaaya-ayang "layout" ng artikulo dahil napisa ang teksto sa pagitan ng larawang iyon at ng "infobox". Starczamora 15:15, 6 Enero 2008 (UTC)
- Kumento. Maikli ang panimula at kulang pa sa konteksto. Kailangan pang dagdagan ng impormasyon na magiging buod ng buong artikulo. Tingnan ang en:Wikipedia:Lead section para sa paglikha ng magandang panimula. Isa sa mga maaaring idagdag ang lugar ng kolehiyo, kailan itinatag, natatanging katangian ng kolehiyo, atbp. At dahil mahigpit na tayo sa kalidad ng Napiling Artikulo, kailangan magdagdag ng mga sanggunian sa artikulong ito para pumasa sa pagiging NA. --Jojit (usapan) 02:20, 7 Enero 2008 (UTC)
- Sagot Na aksyunan ko na ang parehong puna. -- Felipe Aira 11:10, 8 Enero 2008 (UTC)
- Kumento Nang lumikha ako ng artikulo sa Ingles Wikipedia, agad itong nanomina bilang artikulong buburahin. Tingnan en:Wikipedia:Articles for deletion/Rogationist College. --Jojit (usapan) 09:47, 10 Enero 2008 (UTC)
- Napiling Artikulo para sa Enero 10, 2008. --Jojit (usapan) 15:50, 10 Enero 2008 (UTC)