Ang Wiki Loves Earth ay isang pandaigdigang paligsahan sa potograpiya para maitampok ang mga likas na pamanang pook sa buong Mundo gamit ang mga proyektong Wikimedia (lalo na ang Wikipedia at Wikimedia Commons). Ang Pilipinas ay sumali na rin sa Wiki Loves Earth 2018, Wiki Loves Earth 2019 at Wiki Loves Earth 2020. Sa tulong ng kompetisyon, mayroon nang lampas 3,000 na mga larawang nakuha sa ilalim ng creative commons license. Lahat, baguhan man o eksperto, na litratista ay maaaring makiisa sa patimpalak na ito.
Ngayong taong kasalukuyan, isasagawa ang Edit-a-thon sa Wikipedia (Tagalog at Bikol na mga edisyon) para sa nasabing patimpalak. Layunin nito na mailagay at pakatapos ay maitampok ang mga larawan galing sa Wiki Loves Earth Philippines mula taon 2018 hanggang ngayong 2021.
Ang edit-a-thon ay magsisimula sa Mayo 10, 2021 hanggang Hulyo 31, 2021. Sumali sa patimpalak na ito at mag-ambag ng mga malayang lisyensyadong larawan ng mga natural na pamana sa Pilipinas at pakatapos ay itampok ang mga ito sa pagsali sa edit-a-thon sa Wikipedia.
Ang Top 5 na may pinakamataas na makakamit na puntos ay makakakuha ng Wiki Loves Earth Souvenir Prize at Wikipedia Merchandise gaya ng Pin, Sticker, at Lapis.