Xavier Bichat
Si Marie François Xavier Bichat[1] o Xavier Bichat[1] (14 Nobyembre 1771 - 22 Hulyo 1802), ay isang Pranses na anatomo at pisyologo, na ipinanganak sa Thoirette (Jura). Lubos na nakikilala siya bilang ama ng modernong histolohiya at patolohiya. Bagaman gumagawa siya na hindi gumagamit ng isang mikroskopyo, napasulong niya ng malawak ang pagkaunawa sa katawan ng tao. Siya ang unang nagpakilala ng hinagap ng lamuymoy o himaymay (mga tisyu) bilang kahiwalay na mga bahagi ng katawan. Pinanatili niya na nilulusob ng mga karamdaman ang mga lamuymoy sa halip na ang kabuoan ng mga organo.
Xavier Bichat | |
---|---|
Kapanganakan | 14 Nobyembre 1771 |
Kamatayan | 22 Hulyo 1802 | (edad 30)
Nasyonalidad | Pransiya |
Kilala sa | histolohiya mga tisyu |
Karera sa agham | |
Larangan | anatomiya pisyolohiya |
Talambuhay
baguhinUna niyang naging tagapagturo ang kanyang ama na isang manggagamot. Pumasok siya sa dalubhasaan ng Nantua, at lumaong nag-aral sa Lyon. Naging mabilis ang pagsulong niya sa matematika at sa mga pisikal na agham, ngunit madiing itinuon ang saril sa pag-aaral ng anatomiya at pagtitistis sa ilalim ng pamamatnubay ni M. A. Petit (1766-1811), hepeng siruhiko sa Hotel Dieu ng Lyon.
Napilitan siyang lisanin ang Lyon dahil sa mga kaguluhang sanhi ng Himagsikang Pranses, at kinailangan humintil sa Paris noong 1793. Doon siya naging mag-aaral ni P. J. Desault, na lubhang naantig dahil sa kanyang kagalingan kaya't dinala siya nito sa kanyang tahanan upang ituring bilang isang ampong anak na lalaki. Sa loob ng dalawang tao naging masigla siya sa gawain ni Desault, kasabay ng pagpapatuloy ng kanyang sariling pananaliksik sa anatomiya at pisyolohiya.
Isang malaking dagok para kay Bichat ang biglaang pagkamatay ni Desault noong 1795. Una niyang ginampanan ang pagbabayad sa mga pagkakautang niya sa kanyang tagapagtangkilik, sa pamamagitan ng pag-aambag ng tulong sa balo ni Desault at anak nitong lalaki, at sa pamamagitan ng pagbubuo sa ikaapat na tomo ng Journal de Chirurgie (Dyaryo ng Siruhiya) ni Desault kung saan idinagdag ni Bichat ang isang makatalambuhay o biyograpikal na memoir ng may-akda nito.
Naging kasunod niyang layunin ang muling pag-iisa at tunawin o samsamin sa isang katawan ang mga panuntunan sa paninistis na inilathala ni Desault sa sari-saring mga gawaing pampahayagan. Mula sa mga ito, isinulat niya ang Euvres chirurgicales de Desault, ou tableau de sa doctrine, et de sa pratique dens le traitement des maladies externes o "Mga Obrang Pangsiruhiya ni Desault, o Tabla ng mga Panuntunan, at mga Pagsasagawa ng pagbibigay-lunas sa mga Panlabas na Karamdaman" (1798-1799), isang akda kung saan, bagaman inilahad lamang niya ang mga kaisipan ng ibang tao, pinaunlad niya ang mga ito na may kalinawan ng isang dalubhasa hinggil sa paksa. Noong 1797, sinimulan niya ang isang kurso ng mga pagpapatanaw o demonstrasyon pang-anatomiya, at nahikayat siya ng kanyang tagumpay upang dugtungan pa ang plano ng kanyang mga pagtalakay, at magiting na ipahayag ang isang kurso ng siruhiyang nag-oopera.
Sa sumunod na taon, noong 1798 - bilang karagdagan - nagbigay siya ng nakahiwalay na kurso ng pisyolohiya. Isang mapanganib na paglusob ng haemoptysis ang gumambala sa kanyang mga gawain sa loob ng isang panahon; ngunit lumipas din ito at tumuon siya sa iba pang mga gawain na may siglang katulad ng dati. Nasasaklawan na niya ngayon sa kanyang mga pagtalakay ng pisyolohiya ang isang mas malamang paglalantad ng sarili niyang mga pananaw hinggil sa ekonomiya ng mga hayop, na nakapagpasigla nang labis at nakakamkam ng pansin sa mga paaralan ng panggagamot sa Paris.
Nagbigay siya ng mga banghay ng mga panuntunang ito sa loob ng tatlong mga kasulatang nilalaman ng "Memoirs of the Socit Medicale d'Emulation" (Salaysay ng mga Pinagdaanan ng Samahan ng Panggagamot na Tumutulad; isang samahan ang Socit Medicale d'Emulation), na itinatag niya noong 1796, at mas lalo pang napaunlad kapagdaka sa kanyang Traité des membranes (1800)[2]. Sumunod niyang naging lathalain ang "Recherches physiologiques sur la vie et la mort" o Mga Pananaliksik Ukol sa Buhay at Kamatayan (1800), at mabilis na nasundan ito ng kanyang Anatomic generatic [Ingles] o Anatomie générale appliquée à la physiologie et à la médecine [Pranses] o "Anatomiyang Panlahat na inilapat sa pisyolohiya at sa panggagamot" (1800), isang akdang naglalaman ng mga "bunga" ng kanyang pinakamainam at orihinal na mga pagsasaliksik. Nagsimula siya ng isa pang akda, na nasa ilalim ng pamagat na Anatomic descriptive [Ingles] o Anatomie descriptive [Pranses] o "Nilalarawang Anatomiya" (1801-1803), kung saan nakaayos ang mga organo ayon sa pambihirang klasipikayon ng kanilang mga tungkulin, subalit nabuhay lamang siya upang makitang nakalimbag ang unang dalamang tomo.
Mga palantandaang-pook para kay Bichat sa Paris
baguhinIsang malaking tansong-pulang rebulto ni, gawa ng bantog na eskultor na si David D'Angers, ang itinayo noong 1857 sa pangunahing bakuran (o Cour d’honneur) ng Pamantasang René Descartes sa 12, rue de l'Ecole de Médecine [Daan o Kalye ng Paaralan ng Panggagamot], Paris, salamat na lamang sa pagtangkilik ng mga kasapi ng Kongresong Medikal ng Pransiya, na naganap noong 1845. Sa katunayan, mababasa sa patungan ang mga katagang ito: A Xavier Bichat. Le Congrès Médical de France de 1845 o "Para kay Xavier Bichat. Ang Kongreso ng Panggagamot ng Pransiya ng 1845".
Sanggunian
baguhinTalababa
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Xavier Bichat". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 97 - ↑ Elaut, L (1969). "The theory of membranes of F. X. Bichat and his predecessors". Sudhoffs Archiv. GERMANY, WEST. 53 (1): 68–76. ISSN 0039-4564. PMID 4241888.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong); Unknown parameter|quotes=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliyograpiya
baguhin- Naglalaman ang artikulong ito ng mga teksto mula sa Encyclopædia Britannica Ika-11 Edisyon, isang publikasyon na nasa publikong dominyo na.
- N. Dobo – A. Role, Bichat. La vie fulgurante d'un génie, Perrin, Paris 1989