Xiaolongbao
Ang Xiaolongbao ay isang uri ng Tsinong bonete na pinasingaw (baozi) mula sa rehiyon ng Jiangnan, na lalong inuugnay sa Shanghai at Wuxi. Sa kaugalian, inihanda ito sa Xiaolong, isang uri ng maliit na buslong pansingaw na gawa sa kawayan,[1] na kung saan nanggagaling ang kanilang pangalan. Madalas na tinutukoy ang Xiaolongbao bilang isang uri ng "siomai", ngunit hindi dapat ito akalain na siomai ng Briton o Amerikano, ni sa Tsinong jiaozi .
Ibang tawag | Xiaolong bao, xiao long bao, siomai na may sabaw, xiaolong mantou, XLB |
---|---|
Kurso | Dim sum, xiaochi |
Lugar | Tsina |
Rehiyon o bansa | Jiangnan (Shanghai, Wuxi) |
Pangunahing Sangkap | Nakaalsa o di-nakaalsang kuwalta, tinadtad na karne ng baboy (o iba pang karne), aspic |
|
xiaolongbao | |||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pangalang Tsino | |||||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 小笼包 | ||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 小籠包 | ||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | bonete sa maliit na busl | ||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||
xiaolong mantou | |||||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 小笼馒头 | ||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 小籠饅頭 | ||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | boneteng pinasingaw sa buslo "ulong pinasingaw sa buslo" | ||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||
Pangalang Hapones | |||||||||||||||||||||||||||
Kanji | 小籠包 | ||||||||||||||||||||||||||
Kana | ショウロンポウ | ||||||||||||||||||||||||||
Hiragana | しょうろんぽう | ||||||||||||||||||||||||||
|
Tinatawag din ang mga ito na "siomai na may sopas" dahil puno sila ng mainit na sabaw at dapat na kinakain nang maingat. Sa wikang Shanghai, kilala rin sila bilang siaulon moedeu o mala-xiaolong na mantou [2] habang ginagamit ng mga Tsino na nagsasalita ng wikang Wu ang tradisyonal na kahulugan ng "mantou" na tumutukoy sa kapwang napunan at di-napunan na mga bonete.
Mga pinagmulan
baguhinNagmula "Xiaolongbao" sa Changzhou, sa Wan Hua Tea House, sa mga taon ni Emperador Daoguang (1820 hanggang 1850).
Nagmula naman ang estilong Shanghai na xiaolongbao sa Nanxiang, isang distrito ng Shanghai sa Distritong Jiading.[3] Nagbenta ang imbentor ng xiaolongbao sa kanyang unang tindahan sa Nanxiang sa tabi ng kilalang liwasan ng bayan, Harding Guyi. Mula doon ay pinalawak ang xiaolongbao sa bayanang Shanghai at sa labas. Mas matamis ang estilo ng Wuxi xiaolongbao kaysa sa estilo ng Shanghai.
Mayroong dalawang espesyalistang restawran sa xiaolongbao na may mahabang kasaysayan. Ang isa ay ang Nanxiang Mantou Dian (Tindahan ng Nanxiang Bun), na nagmumula sa orihinal na tindahan sa Nanxiang ngunit ngayon ay matatagpuan na sa lugar ng Harding Yu. Sikat ito dahil sa kanyang boneteng may lamang karne mula sa alimango. Isa pa ang Restawrang Gulong, na nasa orihinal na lugar sa tabi ng Harding Guyi sa Nanxiang.[kailangan ng sanggunian]
Mga sangkap
baguhinSa pangkalahatan, ang mga boneteng Tsino, ay maaaring hatiin sa dalawang uri, na depende sa antas ng alsa ng balat-harina.[4] Maaaring gawin ang mga bonete gamit ang nakaalsang o di-nakaalsang kuwarta.[kailangan ng sanggunian] Gumagamit ng malinaw na tubig sa paghahalo ang mga ginawa gamit ang kuwartang walang lebadura. Manipis ang balat, at puno ito ng laman. Madalas na ginagawa ito sa Nanxiang ngunit ginagayahan sa ibang lugar, kung saan ay tinawag itong estilong Xiang. Makikita naman sa buong Tsina ang mga pinasingaw na bonete na gawa sa umaalsang harina at karaniwang tinutukoy ito bilang mantou. Mas karaniwang nakikita sa timog ang pinasingaw na xiaolongbao na gawa sa harinang umaalsa nang bahagdan. Nangangahulugan ito na ang kanilang balat ay malambot, mas malinaw, at medyo napaglalagusan ng liwanag, kaysa sa pagiging puti at mahimulmol. Gaya ng tradisyonal na para sa mga bonete ng iba't ibang laki sa rehiyong Jiangnan, kinukurot ang xiaolongbao sa tuktok bago ang pagsingaw, kaya ang balat niya ay may pabilog na kaskad ng mga onda sa paligid ng korona.
Ang Xiaolongbao ay tradisyonal na pinupno ng baboy. Ang isang kilalang at karaniwang baryante ay ang baboy na may tinadtad na karne ng alimango at itlog ng isda. Kabilang sa mga modernong pagbabago ang iba pang mga karne, pagkaing-dagat, hipon, karne ng alimango, at manggugulayin na laman. Ang katangi-tanging uri na puno ng sopas ay nililikha sa pamamagitan ng pambalot ng karneng aspic sa loob ng balat sa tabi ng karneng laman. Pagkatapos, natutunaw ang helatinang aspic sa init mula sa pagpapasingaw at nagiging sabaw ito. Sa modernong panahon, pinapadali ng pagpapalamig ang proseso ng paggawa ng xiaolongbao sa mainit na panahon, dahil mas mahirap ang paggawa ng helatinang aspic sa temperatura ng kuwarto.
Paghahain
baguhinAyon sa kaugalian, ang xiaolongbao ay isang uri ng siomai (à la carte na aytem) o " xiaochi " (meryenda). Inihahain nang mainit ang mga bonete sa mga buslo na gawa sa kawayan kung saan pinasingaw ang mga ito, karaniwan sa isang higaan ng mga tuyo na dahon o papel na banig, bagaman ang ilang mga restawran ay gumagamit na ngayon ng repolyong napa bilang kapalit..Kadalasang isinasawsaw ang mga bonete sa sukang Zhenjiang na may mga salubsob ng luya. Tradisyon na inihahain ang mga ito na may kasamang malinaw na sabaw. Sa Shanghai, maaaring kainin "xiaolongbao" sa kahit anong oras ng araw, pero karaniwan na hindi kinakain sa almusal. Bumabahgi ito sa isang tradisyonal na estilong Jiangnan na pang-umagang tsaa (早茶).[kailangan ng sanggunian] Sa Guangdong at sa Kanluran, paminsan-minsang inihahain ito bilang isang putahe sa oras ng tsaang Kantones. Ginagawa nang marami ngayon ang niyeyelong xiaolongbao at isang kilalang niyeyelong pagkain na ibinebenta sa buong mundo.
Mga kaugnay na uri
baguhinAng xiaolongbao ay isa sa mga uri ng tang bao ("sopas na bonete") o guantang bao ("bonete puno ng sopas"). Isa pang anyo ng tang bao na may ibang-pagkakahabi ng balat ngunit may halos kaparehong laki ang xiaolong tangbao, isang espesyalidad ng Wuhan.[kailangan ng sanggunian] Halos katulad sa xiaolongbao ang Shengjianbao, ngunit piniprito ang mga ito sa kalan sa halip ng pinasingaw.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Food Lover's Guide to the World: Experience the Great Global Cuisines. Lonely Planet Food and Drink. Lonely Planet Publications. 2014. p. 29. ISBN 978-1-74360-581-3. Nakuha noong Nobyembre 5, 2016.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 古時 面皮 中 有 餡 之 物 方 称爲 饅頭. 見 曾 维 华, <古代 的 馒头>, "上海 师范大学 学报 (哲学 社会 科学 版)" 1995 年 第 2 期, 页 157.
- ↑ Shanghai Dining - Shanghai Snacks: Nanxiang Steamed Stuffed Bun People's Daily Online. china.org.cn. Hulyo 18, 2012. Hinango noong 10 Pebrero 2013.
- ↑ Mula sa Annals ng Jiading (isang distrito sa Shanghai)