Yashano Mall ay isang 4-palapag na mall sa Lungsod ng Legazpi, Albay. Ito ay may hindi bababa sa 30 istante, na may 8,000 square metre (86,000 pi kuw),[1] at ang kauna-unahang komersyal na mall sa lungsod na magkaroon ng isang LED wall para sa gamit pang-komersyal.[2]

Yashano Mall
{{{image_alt}}}
Harapan ng Yashano Mall
KinaroroonanLegazpi, Albay, Pilipinas
Petsa ng pagbubukas27 Nobyembre 2015 (2015-11-27)
BumuoHONG Enterprises
Magmamay-ariHONG Enterprises
Bilang ng mga pamilihan at serbisyoHumigit kumulang 30 pamilihan
Bilang ng nakapundong nangungupahan1
Kabuoang pook ng palapag na pampagtitingi8,000 metro kuwadrado
Bilang ng mga palapag4
Websaytfacebook.com/YashanoMall

Kasaysayan

baguhin

Yashano Mall ay binuksan sa Ika-27 ng Nobyembre, 2015 kasama si Gerald Anderson bilang unang celebrity guest ng mall.[3] Ito ay pagaari ng HONG Commercial at ang Yashano Mall ang siyang pinakamalaking investment ng naturang kumpanya kasama ng Gregorian Mall na binuksan sa sumunod na taon.[4] Ito ang isa sa dalawang mall na nagbukas sa Legazpi kasama na ang Ayala Mall Legazpi - Liberty City Center (isang mall na pag-aari ng LCC Malls at Ayala Land)[5][6][7]

HONG Commercial ay pag-aari ng isang pamilyang Taiwanese negosyo na saan nakabase sa Lungsod ng Legazpi, Albay. Sila din ang nagpapatakbo ng HONG Commercial Stores at ang 101 Mall na kung saan ay may ilang mga branches sa buong Albay at nag-aalok ng mga murang produkto gailing Taiwan. Sa kasalukuyan, ang enterprise ay pag-aari ni Jucan Hong.[1][8]

Gayunpaman, sa gitna ng kanyang konstruksiyon, nitong Pebrero ng 2015, nalagay sa alanganin ang pagpatayo ng Yashano Mall kung saan di-umano'y itinayo ito nang walang kaukulang permit. Napansin ito nang walang nailagay na sinage o billboard na kung saan nakalathala ang Environmental Clearance Certificate (ECC) na binibigay mula sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na yaman at ng City Engineering Office ng Lungsod Legazpi.

Ang mga paratang ay nakalantad na sa pamamagitan ni Konsehal Rolly Rosal ng Lungsod ng Legazpi na nabantong sa sisi ang city engineering office dahil sa pagpapahintulot sa pagtatayo nito para sa halos kalahating-taon na pala itong may paglabag at kabuuang pagwawalang-bahala sa mga probisyon ng ang Building Code of the Philippines. Batid din ni Rosal na siyang nakatalagang City Council's Committee on Public Works and Utilities na ang mga manggagawa sa konstruksiyong ito ay walang suot na kinakailangang mga protective gears tulad ng helmet.[1]

Sa kabila ng kontrobersiya, ang mall ay nagpatuloy na matapos hanggang sa ito ay binuksan noong Nobyembre.

Ang Yashano Mall ay nagbukas ng iilang mga nauna sa Lungsod ng Legazpi. Isa sa mga ito ang Figarro Coffee, na nagsimula sa Metro Manila. At nitong Hunyo 2016 ay sumunod na ang kainan na galing sa Lungsod ng Bacolod, ang Chicken Deli.[9]

Sa unang nitong anibersaryo, Ang Facebook page ng Yashano Mall ay napahayag na magbukas ng isang hotel sa loob ng mall, ang "Lotus Blu Hotel".[10][11]

Pagusad ng Yashano Mall

baguhin
  • Nobyembre 2015 nang nagbukas ito kasama si Gerald Anderson bilang kauna-unahan nitong celebrity guest. Ipinakita na rin sa publiko ang pinagmamalaki nitong LED Wall na kaunaunahan sa Lungsod ng Legazpi.
  • Ika-27 ng Mayo,2016, binuksan ng Yashano Mall ang Figarro Coffee, ang na kaunaunahan sa Lungsod ng Legazpi.
  • Hunyo 2016 binuksan ng Yashano Mall ang kaunaunahan sa Lungsod ng Legazpi. ang Chicken Deli, na isang chicken inasal resto galing Lungsod ng Bacolod.
  • Hulyo ng 2016, nagalok ang Yashano Mall ng isang libreng sakay sa paligid ng kanilang siyudad patungo sa Yashano Mall
  • Nitong Nobyembre 2016 na nagmarka ng kanilang unang anibersaryo, naihayag nito ang pagbukas ng "Lotus Blu Hotel" at ang ikalawang palapag nito ay nagkaroon ng sariling foodcourt matapos nang napansin ang pagdami ng food retail stores sa loob.

Basahin din

baguhin
  • LCC Malls

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Legazpi mall has no building permit? | Bicol Mail". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-16. Nakuha noong 2016-11-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang ":0" na may iba't ibang nilalaman); $2
  2. "Noel Addison Agnote - Photo of Yashano Mall's LED Wall". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-05. Nakuha noong 2016-11-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Hi guys ito po si gerald anderson at sa nov 27 by Yashano Mall" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-15. Nakuha noong 2016-11-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Robinsons eyes establishment of giant mall in Legazpi | LEGAZPI CITY". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-16. Nakuha noong 2016-11-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Young trader sees entry of Ayala Group in Legazpi mall business as both boon, bane". Philippines Today (sa wikang Ingles). 2015-07-29. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-16. Nakuha noong 2016-11-15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "3,000 JOBS AVAILABLE: Ayala Mall opens in Legazpi in Dec. | Bicol Mail". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-22. Nakuha noong 2016-11-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Arguelles, Mar S. "P1.6-B mall venture to spur competition in Legazpi City". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-08. Nakuha noong 2016-11-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "SM, Robinsons mall rivalry moves to Albay • The Market Monitor". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-15. Nakuha noong 2016-11-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Branches - chickendelibacolod.com". chickendelibacolod.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-18. Nakuha noong 2016-11-16.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Yashano Mall - Unveiling of Lotus Blu Hotel". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-05. Nakuha noong 2016-11-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Lotus Blu Hotel website". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)