Your Name
Ang Your Name (Hapones: 君の名は。 Hepburn: Kimi no Na wa., lit. na 'Ang Pangalan Mo') ay isang pelikulang Hapones na ipinalabas noong 2016 na idinerekta at isinulat ni Makoto Shinkai. Ang animasyon ay iginawa ng CoMix Wave Films at ipinamahagi naman ng Toho.[3] Ito ay ibinase mula sa nobelang kapangalang isinulat ni Shinaki, na unang ipinamahagi noong 18 Hunyo 2016.[4]
Your Name | |
---|---|
Japanese | 君の名は。 |
Hepburn | Kimi no Na wa. |
Direktor | Makoto Shinkai |
Prinodyus |
|
Iskrip | Makoto Shinkai |
Ibinase sa | Your Name ni Makoto Shinkai |
Itinatampok sina | |
Musika | Radwimps |
Sinematograpiya | Makoto Shinkai |
In-edit ni | Makoto Shinkai |
Produksiyon | |
Tagapamahagi | Toho |
Inilabas noong |
|
Haba | 107 minuto |
Bansa | Hapon |
Wika | Hapones |
Kita | $276 milyon[2] |
Mga tauhan
baguhinCharacter | Hapones | |
---|---|---|
Taki Tachibana (立花 瀧 Tachibana Taki) | Ryunosuke Kamiki[5] | |
Isang binatang magaaral sa Tokyo. Siya ay masayang nakikipaghalibilo sa kanyang mga kaibigan at nagtatrabaho rin sa isang kainang Italyano. Maikli ang kaniyang pasensya at madaling magalit ngunit siya'y may mabuting loob. | ||
Mitsuha Miyamizu (宮水 三葉 Miyamizu Mitsuha) | Mone Kamishiraishi[5] | |
Isang dalagang taga-Itomori, isang rural na bayan. Siya'y prangka at ayaw niyang talakayin ang mga isyu ukol sa dambana ng kanyang pamilya, kung saan mas nais niyang manirahan sa Tokyo. Malayo ang kaniyang loob sa kanyang estriktong ama at ayaw niya ang kaniyang tungkulin na gumawa ng kuchikamizake para sa kanilang dambana bilang isang miko. Ang kuchikamizake ay isang produkto ng isang makaluma at tradisyunal na paraan sa paggawa ng sake sa pamamagitan ng panguya ng kanin para makakuha ng lebadura para pagbuburo. | ||
Miki Okudera (奥寺 ミキ Okudera Miki) | Masami Nagasawa[6] | |
Isang mag-aaral sa isang pamantasan sa Tokyo. Magakatrabaho sila nila Taki. May crush sila sa isa't-isa. Siya ay karaniwang tinatawag na Miss Okudera (Binibining Okudera) o senpai (isang panggalang sa nakatataas). | ||
Hitoha Miyamizu (宮水 一葉 Miyamizu Hitoha) | Etsuko Ichihara[6] | |
Ang pinuno ng dambanang pampamilya at lola nina Mitsuha at Yotsuha. Ang kanilang apeliyido na "Miyamizu" (宮水) ay may literal na kahulugan na "tubig ng dambana". Siya ang dalubhasa ng kumihimo, isa sa mga tradisyon ng kaniyang pamilya. | ||
Katsuhiko Teshigawara (勅使河原 克彦 Teshigawara Katsuhiko) | Ryo Narita | |
Kaibigan ni Mitsuha na isang dalubhasa sa makina, lalo na sa mga pampasabog. | ||
Sayaka Natori (名取 早耶香 Natori Sayaka) | Aoi Yūki | |
Kaibigan ni Mitsuha, isang kabadong babae na kasapi ng samahang brodkasting sa kanilang paaralan na palaging pinipilit na itinatanggi ang kaniyang pagkagusto kay Katsuhiko. | ||
Tsukasa Fujii (藤井 司 Fujii Tsukasa) | Nobunaga Shimazaki | |
Isa sa mga kaibigan ni Taki sa mataas na paaralan. Palagi siyang nag-aalala kay Taki sa bawat panahon nakikipagpalitan ng katawan sila Taki at Mitsuha. | ||
Shinta Takagi (高木 真太 Takagi Shinta) | Kaito Ishikawa | |
Isa sa mga kaibigan ni Taki sa mataas na paaralan. Isang masiyahin at palaging handang tumulong sa kanyang mga kaibigan. | ||
Yotsuha Miyamizu (宮水 四葉 Miyamizu Yotsuha) | Kanon Tani[6] | |
Nakababatang kapatid na babae ni Mitsuha. Tila akala niyang nasisiraan na ng loob ang kanyang ate ngunit mahal pa rin siya sa kabila nito. Sumasali rin siya sa kumihimo at paggawa ng kuchikamizake. | ||
Toshiki Miyamizu (宮水 俊樹 Miyamizu Toshiki) | Masaki Terasoma | |
Ama nina Mitsuha at Yotsuha at alkalde ng Itomori. Dati siyang mananaliksik ng mga kuwentong-bayan na pumunta sa bayan ng Itomori upang manaliksik. Doon din sila nagkita ng kaniyang naging asawa at ina ni Mitsuha. Mahigpit siya sa kaniyang mga anak, lalo na kay Mitsuha, at pagod dulot sa mga nangyari sa kanyang buhay. | ||
Futaba Miyamizu (宮水 二葉 Miyamizu Futaba) | Sayaka Ohara | |
Ina nina Mitsuha at Yotsuha. | ||
Yukari Yukino (雪野 百香里 Yukino Yukari) | Kana Hanazawa[7] | |
Ang guro nina Mitsuha, Katsuhiko, at Sayaka sa panitikang Hapones. Itinalakay niya sa klase ang salitang kataware-doki, na nangangahulugang "takipsilim" sa lokal na diyalekto ng Hida. Siya rin ay isang tauhan sa isa pang akda ni Shinkai, ang The Garden of Words. |
Pilipinas
baguhinSa Pilipinas, naging tanyag ang pelikula para sa mga manonood na pinasalamatan ni Makoto Shinkai, ang direktor ng pelikula, matapos ang muling pag-ere nito noong 2016 ng ABS-CBN na itinapat noon sa Huwebes Santo. Naging trending ang pelikula sa Twitter na may halos 158k+ na tweet sa loob lamang ng araw na iyon.[8]
Noong 2018, ipinalabas muli ng ABS-CBN ang pelikula sa anyong Tagalog dub na maaari ring mapanood sa iWant TV.[9][10][11]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Your Name (2016) Release Info". Nakuha noong 2016-12-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kimi no na wa (2016)". The Numbers (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Disyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "君の名は。(2016)". allcinema (sa wikang Hapones). Stingray. Nakuha noong 19 Disyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Makoto Shinkai Publishes Kimi no Na wa./your name. Novel Before Film Opens". Anime News Network (sa wikang Ingles). 11 Mayo 2016. Nakuha noong 19 Disyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Makoto Shinkai Reveals Kimi no Na wa./your name. Anime Film for August 2016". Anime News Network. Disyembre 10, 2015. Nakuha noong Pebrero 9, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 Schilling, Mark (Ago 31, 2016). "'Your name.': Makoto Shinkai could be the next big name in anime". The Japan Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 8, 2016. Nakuha noong Nobyembre 8, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "映画『君の名は。』新海誠監督インタビュー!". animatetimes. Agosto 30, 2016. Nakuha noong Setyembre 2, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://news.abs-cbn.com/entertainment/04/10/20/your-name-director-thanks-filipino-fans-after-movies-abs-cbn-re-airing-trends-online
- ↑ https://www.ungeek.ph/2018/11/in-defense-of-filipino-dubbed-anime/
- ↑ https://www.animephproject.com/2020/04/02/abs-cbn-to-re-air-your-name-this-holy-week/
- ↑ https://www.ungeek.ph/2020/04/your-name-will-air-once-again-on-abs-cbn-this-holy-week/
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.