Yurihonjō
Ang Yurihonjō (由利本荘市 Yurihonjō-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Akita, Hapon. Magmula noong 31 Enero 2020[update], may tinatayang populasyon na 76,077 katao ang lungsod sa 30,639 mga kabahayan,[1] at may densidad na 63 tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 1,209.60 square kilometre (467.03 mi kuw).
Yurihonjō 由利本荘市 | |||
---|---|---|---|
Gusaling Panlungsod ng Yurihonjō | |||
| |||
Kinaroroonan ng Yurihonjō sa Prepektura ng Akita | |||
Mga koordinado: 39°23′9.1″N 140°2′55.8″E / 39.385861°N 140.048833°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Tōhoku | ||
Prepektura | Akita | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 1,209.60 km2 (467.03 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Enero 2020) | |||
• Kabuuan | 76,077 | ||
• Kapal | 63/km2 (160/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
Puno | Zelkova serrata | ||
Bulaklak | Sakura | ||
Bilang pantawag | 0184-24-3321 | ||
Adres | 17 Ozaki Yurihonjō-shi, Akita-ken 015-8501 | ||
Websayt | Opisyal na websayt |
Kasaysayan
baguhinAng lugar ng kasalukuyang Yurihonjō ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Dewa na pinangibabaw ng angkang Mogami noong panahong Sengoku. Sa ilalim ng kasugunang Tokugawa, napunta ang bahagi ng lugar sa paghawak ng Dominyong Honjō, Dominyong Kameda at Dominyong Yashima, kalakip ang isang napakaliit na bahaging nasa tuwirang pamumuno ng kasugunan (tenryō). Pagkaraan ng pasimula ng panahong Meiji, naging bahagi ito ng Distrito ng Yuri, Prepektura ng Akita noong 1878, at binuo ang bayan ng Honjō kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong Marso 31, 1954.
Itinatag ang kasalukuyang lungsod ng Yurihonjō noong Marso 22, 2005, mula sa pagsasanib ng lungsod ng Honjō at mga bayan ng Chōkai, Higashiyuri, Iwaki, Nishime, Ōuchi, Yashima at Yuri (lahat mula sa Distrito ng Yuri). Kasunod nito, ang bagong lungsod ng Yurihonjō ay may 126 mga kinatawan sa bagong asambleang panlungsod nito, mas-marami sa kabuoan ng Tokyo.
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Yurihonjō sa timog-kanlurang sulok ng Prepektura ng Akita, at hinahangganan ito ng Dagat Hapon sa kanluran at Prepektura ng Yamagata sa timog. Pinakamalaking munisipalidad ito ng Prepektura ng Akita batay sa lawak ng lupa, na sumasaklaw sa humigit-kumulang ikasmpung bahagi ng teritoryo ng prepektura, o humigit-kumulang kalahati ng lawak ng Prepektura ng Kanagawa. Bahagi ng lungsod ay nasa mga hangganan ng Chōkai Quasi-National Park.[2]
Kalapit na mga munisipalidad
baguhin- Prepektura ng Akita
- Prepektura ng Yamagata
Demograpiya
baguhinAyon sa datos ng senso sa Hapon,[3] naabot ng Yurihonjō ang pinakamataas na populasyon nito noong dekada-1950, at bumababa na ito mula noon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1920 | 76,001 | — |
1930 | 84,681 | +11.4% |
1940 | 89,937 | +6.2% |
1950 | 109,672 | +21.9% |
1960 | 109,032 | −0.6% |
1970 | 95,428 | −12.5% |
1980 | 95,748 | +0.3% |
1990 | 95,489 | −0.3% |
2000 | 92,843 | −2.8% |
2010 | 85,230 | −8.2% |
Mga ugnayang kapatid na lungsod
baguhin- - Vác, Hungary,[4] mula noong Setyembre 25, 1996
- - Yangsan, Timog Korea,[4] mula noong Oktubre 10, 1998
- - Wuxi, Republikang Bayan ng Tsina,[4] mula noong Hulyo 6, 2001
Talababa
baguhin- ↑ Yurihonjō City official statistics (sa Hapones)
- ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-10-05. Nakuha noong 2020-07-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yurihonjō population statistics
- ↑ 4.0 4.1 4.2 "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures (sa wikang Ingles). Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Nobyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhinGabay panlakbay sa Yurihonjō mula sa Wikivoyage
- Opisyal na Websayt (sa Hapones)