Zorayda Sanchez
Si Zorayda Sanchez (Hunyo 8, 1951 – Agosto 27, 2008) ay isang komedyante, artista, manunulat ng senaryo sa pelikula at telebisyon, at mamamahayag na mula sa bansang Pilipinas. Nagsimula siya bilang manunulat para sa isang himpilan ng radyo, ang DZRH, at lumitaw sa mga ilang pelikula noong dekada 1980. Naging malawak ang pagkakilala sa kanya nang lumabas sa telebisyon sa komedyang palabas na Goin' Bananas. Nabanggit ang kanyang pangalan sa awitin ng rapper na si Andrew E. na "Humanap Ka ng Panget" na nailabas noong dekada 1990, at tinutukoy sa kanta ang itsura niya na naging puhunan niya sa pagpasok sa shobis.
Zorayda Sanchez | |
---|---|
Kapanganakan | Zorayda T. Sanchez 8 Hunyo 1951 |
Kamatayan | 27 Agosto 2008 Angono, Rizal, Pilipinas | (edad 57)
Trabaho | Artista, komedyante, manunulat, mamamahayag |
Anak | 1 |
Maagang buhay
baguhinLumaki si Zorayda sa Angono, Rizal at nakapagtapos siya ng kursong Pamamahayag (o Journalism sa wikang Ingles) sa pribado at Romano Katolikong pontipikal pamantasan ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST) noong 1972.[1] Kahit noong nag-aaral pa lamang sa UST, lagi na siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang itsura at sinasabihan ng "aswang, aswang."[2] Magiging puhunan niya ang kanyang itsura sa pagpasok niya sa shobis.
Karera
baguhinPagkatapos na magkapagtapos sa kolehiyo, sumulat siya ng mga iskrip para sa mga drama na pinapakikinggan sa himpilan ng radyo na DZRH.[1] Itinayo ng noo'y Unang Ginang Imelda Marcos ang University of Life Training and Recreational Arena o ULTRA (PhilSports Arena na ngayon) at nagkaroon ng trabaho si Zorayda sa institusyon na ito bilang isang manunulat din.[1] Interasado si Zorayda sa pag-arte kaya kinuha niya ang pagkakataon na sumama sa Dulaang Bayan, isang pangkat panteatro ng ULTRA.[1]
Nang lumaon, naisipan ng direktor ng Dulaang Bayan na si Frank Rivera na kunin ang mga artistang nasa kanya na lumabas sa mga pelikula.[1] Isa si Zorayda sa mga napasok ni Rivera sa namamayaning shobis[1] at unang lumabas siya sa pelikulang Shame na pinagbibidahan ng aktres na si Claudia Zobel noong 1983.[3] Lumabas din siya sa isang patalastas ng sabong panlaba na ikinagulat ng kanyang mga kaklase sa kolehiyo.[2]
Dahil mas malaki ang kinikita niya sa pelikula kaysa sa pagsusulat, nagbitiw siya at tinuon ang sarili sa pag-arte sa pelikula.[1] Isa sa mga hindi makakalimutang linya niya ay sa pelikulang Working Girls noong 1986 nang sabihan niya sa karakter ni Carmi Martin na "Hmp, ang pangit naman!"[1] Gumanap din siya bilang isang guro sa pelikulang Bagets noong 1984.[4] Nagpa-ekstra-eksta siya sa iba't ibang pelikula hanggang napabilang siya sa pelikulang dinidirehe ni Laurice Guillen.[1] Nang makita siya ng asawa ni Laurice, si Johnny Delgado, sa set ng pelikula, inimbitihan ni Johnny si Zorayda na maging isa sa mga mainstay ng Goin' Bananas, isang komedyang palabas sa telebisyon na umere sa ABS-CBN.[1]
Naging sikat agad siya sa paglabas sa Goin' Bananas[4] at dahil dito naimbitihan siya magpresenta sa kauna-unang PMPC Star Awards para sa telebisyon noong 1987 kasama si Edu Manzano, Toni Rose Gayda at Aiza Seguerra at ginanap ang parangal sa Araneta Coliseum.[1] Kahit naging sikat siya, hindi siya nagkaroon ng tagapamahala (o talent manager) at buo niyang nakukuha ang bayad sa kanyang talento.[1]
Noong 1990, nilabas ng rapper na si Andrew E. ang kanyang awitin na may pamagat na "Humanap Ka ng Panget" at binanggit niya ang pangalan ni Zorayda at pinatungkol ito sa itsura niya.[5] Bagaman tila nakakasakit ng damdamin ang pagkutya sa kanyang itsura, sinabi ni Zorayda na "naging malawak ang kanyang kaisipan dahil sa pagiging manunulat at isa lamang siyang karakter sa iskrip, at kung hindi niya tanggapin ang karakter baka may iba pang kumuha nito."[1]
Dahil itinuon ang sarili sa pag-aalaga ng anak, hindi siya gaanong naging aktibo sa shobis ngunit bumalik siya sa pagsusulat.[1] Naging manununulat siya para sa pahayagang Manila Bulletin.[6][7] Sumulat din siya sa lingguhang balita-magasin na Ang OFW Ngayon na tinatalakay ang mga usapin tungkol sa mga Pilipinong nasa ibayong-dagat.[8][1] Manunulat din siya ng mga iskrip para sa pelikula at telebisyon.[9]
Personal na buhay
baguhinMay isang anak si Zorayda, si Alexis Joyce,[8] at pinalaki niya ito ng mag-isa lamang.[2] Si Dax Rivera, isang aktor sa entabalado, ang ama ni Alexis Joyce.[8] Nanatili pa rin si Zorayda sa Angono at may pagkakataon na nasunog pa ang bahay niya subalit ipinatayo muli ito ng kanyang kapatid na may istilong Mediteraneo.[2]
Kahit sikat na si Zorayda, gumamit pa rin siya ng pampublikong transportasyon sa pagpunta sa shooting ng kanyang pelikula.[2] Kabilang sa tinuturing niyang tapat na kaibigan sa shobis sina Evelyn Vargas, Beverly Salviejo, Tiya Pusit, at Lou Veloso.[2]
Kamatayan
baguhinNamatay si Zorayda dahil sa kanser sa suso noong Agosto 27, 2008 sa gulang na 57.[10][11] Inilibing siya sa Angono.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 1.14 Francisco, Butch (2007-02-06). "TV's face of '87". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Alano, Ching M. (2008-09-14). "Zorayda A life of laughter & tears". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Zorayda Sanchez, 58". Philstar.com (sa wikang Ingles). 2008-08-29. Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Gulle, Ramil Digal (2008-08-28). "Actress Zorayda Sanchez is dead". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ IRIS (2022-01-10). "Andrew E". The World of Second Chances (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-21. Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Plaza, Gerry (2015-10-04). "Zorayda Sanchez, comedienne and writer, takes final bow - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-04. Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Author Search Results". ds.mainlib.upd.edu.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 8.0 8.1 8.2 Villasanta, Boy (2008-09-01). "Zorayda's daughter accepts mom's death with an open heart". ABS-CBN News. Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Balagtas See, Aie (2008-08-28). "Ex-comedienne Zorayda Sanchez passes away". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Macaraeg, Pauline (2019-04-03). "Nakakatawa! These Filipino Comedians Made Generations Laugh". Esquiremag.ph. Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Almo, Nerisa (2008-08-28). "Veteran comedienne Zorayda Sanchez dies of breast cancer". PEP.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-03-30. Nakuha noong 2022-03-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)