'Captain Tom'
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Kapitan Ginoong Thomas Moore (ipinanganak 30 Abril 1920), na mas kilala bilang si "Captain Tom", ay isang dating opisyal ng Hukbong Katihan ng Britanya at sentenaryo, na nakilala dahil sa kaniyang mga nagawang paglikom ng pera para sa kawanggawa bilang 'pagdiriwang' ng kanyang ika- 100 kaarawan sa gitna ng pandemya dahil sa COVID-19.
Sir Tom Moore | |
---|---|
Kapanganakan | Thomas Moore 30 Abril 1920 Keighley, West Riding of Yorkshire, England |
Nagtapos | Keighley Grammar School, West Yorkshire |
Trabaho |
|
Kilala sa |
|
Asawa | Pamela (k. 1968–2006) |
Anak | 2 |
Parangal |
|
Karera sa Militar | |
Katapatan | Reyno Unido |
Sangay | British Army |
Taon ng paglilingkod | 1939–1946 |
Ranggo |
|
Yunit | |
Labanan/digmaan | |
Website | captaintom.org |
Si Moore ay naglingkod noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa India, sa kampanya ng Burma, at Sumatra. Sa panahon ding iyon ay nagsilbi si Moore bilang tagapagturo larangang ng armored warfare. Matapos ang digmaan ay nagsilbi siyang tagapamahala sa kumpanya ng konkreto. Naging isang masugid na magkakarera ng motorsiklo rin si Moore.
Noong 6 Abril 2020, sa edad na 99, ay nagsimula siyang maglakad nang paikot-ikot sa kaniyang hardin. Ito ay may layuning makalikom ng £1,000 sa pagdating ng kaniyang ikasandaang kaarawan upang makatulong sa NHS Charities Together, isang organisasyong pangkawanggawa para sa Pambansang Serbisyo sa Kalusugan ng United Kingdom. Sa loob ng kaniyang dalawampu't apat na araw na paglikom ng pondo ay maraming beses siyang naitampok sa media, dahil upang maging usap-usapan ang kaniyang pangalan sa mga mamamayan ng United Kingdom. Dahil nagkaroon ng malawakang interes ang mga tao, umani si Moore ng maraming mga papuri at ang kaniyang paglikom ng pondo para sa NHS Charities ay umaakit ng donasyon mula sa 1.5 milyong indibidwal. Itinampok din si Moore sa isang bersyon ng awit na "You'll Never Walk Alone", na naglayong makalikom din ng donasyon para sa parehong organisasyong-pangkawanggawa. Nanguna ito sa music charts sa UK, dahilan upang itanghal siya bilang pinakamatandang tao doon na nakagawa nito.
Sa mismong araw ng kaniyang ikasandaang kaarawan ay nakalikom ang kaniyang paglalakad ng suma total na £32.79 milyon. Ang araw na iyon ay ipinagdiwang sa iba't ibang mga paraan, kabilang ang mga flypasts ng Royal Air Force at mga pagpupugay mula sa British Army . Tumanggap siya ng higit sa 150,000 birthday cards, at hinirang bilang honorary colonel ng Army Foundation College . Ang kanyang pagkakabalyero ay inihayag noong 19 Mayo, at ipinagkaloob sa susunod na araw. Ang pribadong seremonya ay naganap noong 17 Hulyo sa Kastilyo ng Windsor.