¿Por qué no te callas?

Ang ¿Por qué no te callas? (Tagalog: "Bakit hindi ka [na lang] tumigil [sa pagsasalita]?") ay isang pangungusap na binigkas ng dating hari ng Espanya na si Juan Carlos I kay Hugo Chávez na naging pangulo ng Beneswela bilang isang pagsaway pagkatapos ng paulit-ulit na pagkagambala na ginawa niya sa noo'y pangulo ng pamahalaan ng Espanya na si José Luis Rodríguez Zapatero habang ginaganap ang ikalabing-pito na Kumbre Ibero-Amerikano noong Nobyembre 10, 2007 sa Santiago, Chile.

Ibero-American Summit, 2007: Sina Juan Carlos, Zapatero at Chávez na nakaupo sa kanang bahagi ng bulwagan.

Ang nasabing pangungusap ay mabilis na naging isang phenomenon sa lipunan at sa internet, na naging paksa ng mga imitasyon, pangungutya, mga parodya, palabas sa telebisyon, mga ringtone ng selpon[1] at mga pamagat ng palabas sa telebisyon sa Argentina at Espanya.

Mga tala at sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.