Angstrom

(Idinirekta mula sa Å)
1 angstrom =
Mga yunit ng SI
100.00×10−12 m 0.100000 nm
Likas na mga yunit
6.1877×1024 lP 1.88973 a0
Kustomaryo sa US / Mga yunit na Imperyal
328.08×10−12 ft 3.9370×10−9 in

Ang angstrom, ångström, o angström[1] (sagisag Å[1]) (bigkas: /ˈɔːŋstrəm/; Suweko: IPA: [ˈɔ̀ŋstrœm]) ay isang kinikilalang pandaigdigang hindi-SI na yunit ng haba na katumbas ng 0.1 nanometro o 1×10−10 mga metro (isang ika-isang-kasampuan ng isang milimikron o isang ika-dalawandaan at limapu't apat na milyon ng isang pulgada[1]). Minsang ginagamit ito sa pagsasaad ng mga sukat ng mga atomo, mga haba ng kimikal na pagdirikit at nakikitang liwanag ng ispektrum, at mga sukat ng mga bahagi ng sirkit na pinagsama-sama. Karaniwan itong ginagamit sa biyolohiyang istruktural (biyolohiyang pangkayarian). Ipinangalan ito mula kay Anders Jonas Ångström.

Kasaysayan

baguhin

Ang angstrom ay ipinangalan mula sa Swekong pisikong si Anders Jonas Ångström (1814–1874), isa sa mga tagapagtatag ng ispektroskopyo na kilala din sa mga pag-aaral ng astropisika, paglipat ng init, magnetismong terestriyal, at sa aurora borealis.

Noong 1868, nilikha ni Ångström ang chart na pang-ispektrum ng radyasyong solar na nagpapahayag ng liboyhaba ng radyasyong elektromagnetikong nasa electromagnetikong ispektrum na nasa maramihan ng isa sa ika-sampung milyon ng isang milimetro, o 1×10−10 mga metro. Naging kilala ang yunit ng habang bilang yunit na Ångström[1], at sa kalaunan bilang payak lamang na ångström.

Ang kaselanan ng paningin (biswal na sensitibidad) ng isang tao ay mula mga 4,000 mga angstrom (lila) hanggang 7,000 mga angstrom (madilim na pula) kaya nakapagbigay ang paggamit ng angstom bilang isang yunit ng isang patas na bilang ng diskriminasyong hindi kinakailangang bumaling sa mga yunit na praksyonal. Dahil sa kalapitan nito sa sukat ng mga kayarian atomiko at molekular naging bantog din ito sa kimika at kristalograpiya.

Bagaman binalak na tumugma sa 1×10−10 mga metro, para sa mas tiyak na pagsusuring pang-ispektrum kinakailangang pakahuluganang mas tumpak ang angstrom kaysa metro na hanggang sa pagsapit ng 1960 ay binibigyang kahulugan pa rin batay sa haba ng isang bareta ng metal na hinahawakan o itinatago sa Paris. Noong 1907, binigyang kahulugan ng Internasyunal na Unyong Astronomiko ang pandaigdigang angstrom sa pamamagitan ng paggawa sa liboyhaba ng pulang guhit ng kadmiyum sa hangin (astmospero ng mundo) bilang katumbas ng 6438.46963 internasyunal na mga angstrom, at tinangkilik ng Pandaigdigang Tanggapan ng mga Bigat at mga Sukat ang kahulugang ito noong 1927. Mula 1927 hanggang 1960, nanatili ang angstro bilang isang pumapangalawang yunit ng haba na ginagamit para sa ispektroskopyo, na nakahiwalay ang kahulugan mula sa metro, ngunit noong 1960, muling binigyan ng bagong kahulugan ang mismong metro ayon sa mga pananalitang ispektroskopiko, kaya naihanay ang angstrom bilang isang kabahaging kasingdami ng mga metro.

Sa ngayon, ang paggamit ng angstrom bilang isang yunit ay mas mababa ang kabantugan kaysa dati at sa halip mas kalimitang ginagamit na ang nanometro (nm) (na ang angstrom ay opisyal na hindi minumungkahing gamitin ng kapwa ng Pandaigdigang Komite para sa mga Bigat at mga Sukat at ng Pambansang Pamantayan sa Gawaing Metriko ng Amerika.

Simbolong Unicode

baguhin

Isinasama ng Unicode ang "sagisag na angstrom" na nasa U+212B (Å). Subalit, ang "sagisag na angstrom" ay ginawang normal na U+00C5 (Å), at samakatuwid ay tinanaw bilang isang (dati nang umiiral) na kamalian sa pagsasakodigo, at mas mainam na gamitin ng tuwiran ang U+00C5 (Å).[2]

Epekto sa tao

baguhin

Kapag tinamaan at nabantad ang balat ng tao sa mga sinag ng liwanag ng araw na bumabagsak sa 2900 hanggang 3200 mga yunit ng Angstrom, nagreresulta ito sa dagandang o katim, ang pagpula at pagkasunog ng balat o kutis dulot ng pagkakabibilad sa araw.[1]

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Robinson, Victor, pat. (1939). "Å, Angström Unit". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), (...) "It is the unit of wave length: one one-tenth of a millimicron (one two-hundred and fifty-four millionths of an inch)" (...), pahina 1.
  2. The Unicode Consortium, pinatnugutan ni Julie D. Allen ... (2006). "Symbols" (PDF). The Unicode Standard (PDF) (ika-Version 5.0 (na) edisyon). Upper Saddle River, NJ [atbp.]: Addison-Wesley. p. 493. ISBN 0-321-48091-0. OCLC 145867322. Nakuha noong 2007-07-06. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)