Ika-11 dantaon

(Idinirekta mula sa 1015)

Ang ika-11 dantaon ay isang panahon mula 1001 hanggang 1100 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano at ang unang siglo sa ikalawang milenyo.[1]

Milenyo: ika-2 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  1000 dekada 1010 dekada 1020 dekada 1030 dekada 1040
dekada 1050 dekada 1060 dekada 1070 dekada 1080 dekada 1090
Ang pampolitikang hangganan sa Silangang Emisperyo noong unang kalahati ng ika-11 siglo
Ang pampolitikang hangganan sa Silangang Emisperyo noong katapusan ng ika-11 siglo

Sa kasaysayan ng Europa, tinuturing ang panahon na ito bilang ang unang bahagi ng Mataas na Gitnang Panahon.

Pagkatapos ng dagliang pag-akyat, mayroon biglaang paghina ng kapangyarihang Bisantino at ang pagbangon ng pagdomina ng mga Norman sa karamihan ng Europa, kasama ang prominenteng pagganap sa Europa ng kapuna-punang mga maimpluwensyang papa. Nagkaroon ang Kristiyanidad ng pormal na sisma o paghahati sa siglo na ito na yumabong noong nakaraang mga siglo sa pagitan ng Romanong Kanluran at Bisantinong Silangan, na nagdulot ng paghiwalay sa dalawang pinakamalaking dominasyon hanggang sa panahon ngayon: ang Romano Katolisismo at Silanganing Ortodoksiya. Sa Hilagang Italya, nagdulot ang paglago ng populasyon sa pag-angat ng unang organisadong kapitalismo at mas sopistikadong kulturang komersyo noong huling bahagi ng ika-11 dantaon. Sa Silangang Europa, nagkaroon ng ginutuang panahon para sa prinsipalidad ng Kievan Rus.

Sa dinastiyang Song sa Tsina at klasikong mundong Islamiko, minarka ng siglong ito ang mataas na punto para sa parehong klasikong Tsinong kabihasnan, agham at teknolohiya, at klasikong Islamikong agham, pilosopiya at panitikan. Nilikha ng magkakalabang pampolitikang pangkat sa dinastiyang Song ang patatalo sa mga nangungunang estadista at ministro ng imperyo. Naabot ang taluktok ng militar na kalakasan at internasyunal na impluwensiya ng Kalipatong Fatimid sa Ehipto, ang mga Ghaznavid, at ang dinastiyang Chola sa Indya. Ang Kanluraning Imperyong Chalukya (ang kalaban ng Chola) ay bumangon din sa kapangyarihan sa dulo ng siglo.

Sa siglo na ito, dumating sa kapanyarihan ang mga Turkong dinastiyang Seljuk sa Kanlurang Asya sa pira-pirasong lupain ngayon na Abbasid, habang ang una sa mga Krusada ay isinakatuparan tungo sa pagsasara ng siglo.

Sa Hapon, namayani ang angkang Fujiwara sa mga kapakanang estado.

Sa Korea, yumabong ang Kaharian ng Goryeo at hinarap ang panlabas na banta mula sa dinastiyang Liao (Manchuria).

In Vietnam, nagsimula ang dinastiyang Lý, habang sa Myanmar, naabot ng Kahariang Pagan ang rurok ng kapangyarihang pampolitika at militar.

Sa mga Amerika, yumabong ang mga kabihasnang Toltec at Mixtec sa Gitnang Amerika, kasama ang Kalinangang Huari ng Timog Amerika at kulturang Mississippiyano ng Hilagang Amerika. Nakasentro sa palibot ng Lawa Titicaca ang Imperyong Tiwanaku na bumagsak noong unang kalahati ng siglo.

Mahahalagang tao

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The New Millennium—Just When Is It Anyway?". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)