Ika-13 dantaon
Ang ika-13 dantaon ay isang siglo na tumagal mula Enero 1, 1201 hanggang Disyembre 31, 1300 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano.
Milenyo: | ika-2 milenyo |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 1200 dekada 1210 dekada 1220 dekada 1230 dekada 1240 dekada 1250 dekada 1260 dekada 1270 dekada 1280 dekada 1290 |
Sa panahong ito, itinatag ni Genghis Khan ang Imperyong Mongol, na sumakop mula Silangang Asya hanggang Silangang Europa. Binago ang kurso ng mundong Muslim ang mga pananakop ni Hulagu Khan at ibang mga pagsalakay ng Mongol, higit na kapansin-pansin ang Pagkubkob ng Baghdad (1258), ang pagwasak ng Bahay ng Karanungan at paghina ng mga Mamluk at Rum, na, sang-ayon sa mga dalubhasa sa kasayasayan, nagdulot ng paghina ng Ginintuang Panahong Islamiko. May ibang mga kapangyarihang Muslim tulad ng Imperyong Mali at Sultanato ng Delhi ang sumakop sa malaking bahagi ng Kanlurang Aprika at subkontinenteng Indiyano, habang nakaranas ang Budismo ng paghina. Sa kasaysayan ng kulturang Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang ang Mataas na Gitnang Panahon.
Mahahalagang tao
baguhin- Antonio ng Padua, Pransikanong Portuges na prayle, obispo
- Cimabue, Plorentinong pintor
- Dante Alighieri, Plorentinong manunulat at manunula
- Isabel ng Ungria, Ungarang prinsesa ng Kaharian ng Ungria
- Fibonacci , Italyanong matematiko na nakilala sa pagtuklas ng mga bilang na Fibonacci
- Francisco ng Asisi, Umbriyanong tagapagtatag ng orden ng Pransikano
- Federico II, emperador ng Banal na Imperyong Romano
- Genghis Khan, tagapagtatag ng Imperyong Mongol
- Gertrudis Magna, Katolikong Aleman na madre at espirtuwal na manunulat
- Giotto di Bondone, Italyanong pintor
- Ibn Taymiyyah, tanyag na Hanbali, iskolar na Salafi ng Islam
- Kublai Khan, pinunong Mongol, tagapagtatag ng Dinastiyang Yuan sa Tsina
- Jalal Uddin Muhammad Rumi, iskolar at sikat na manunula
- Louis IX ng Pransya, San Louis, hari at krusadong Pranses
- Marco Polo, manganalakal at manggagalugad na taga-Benisya
Mga imbensyon, tuklas at pagpapakilala
baguhin- Maagang ika-13 dantaon – pininta ni Xia Gui ang Labing-dalawang Tanaw mula sa isang Nakapawid na Kubo, noong Dinastiyang Katimugang Song.
- Nagmula ang anyong motet mula sa tradisyong Ars antiqua ng Kanluraning musikang Europeo.
- Ang pinakamaagang kilang kwitis, mina, at baril ay ginawa ng mga Tsino para sa pakikipagdigma.
- Hiniram ng mga Tsino ang mulino mula sa Islamikong mundo.
- Naimbento ang salamin sa mata sa Venice, Italya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Para sa numastikong impormasyon: Coins of Ghazan Naka-arkibo 2008-02-01 sa Wayback Machine., pagbasa sa barya ng Ilkhanid Naka-arkibo 2008-02-01 sa Wayback Machine. (sa Ingles).