Ang Tabriz (Persa: تبریز[tæbˈɾiːz] ( pakinggan); Aseri: تبریز‎) ay ang pinakamataong lungsod sa hilagang-kanlurang Iran, isa sa mga makasaysayang kabisera ng Iran at ang kasalukuyang kabisera ng Silangang Lalawigan ng Azerbaijan. Ito ang ikalimang pinakamataong lungsod sa buong Iran. Sa lambak ng Ilog Quri sa makasaysayang rehiyon ng Azerbaijan[1] sa pagitan ng mahabang tagaytay ng mala-bulkan na apa sa mga bulubunduking Sahand at Eynali, pumapatak ang elebasyon ng Tabriz sa pagitan ng 1,350 at 1,600 metro (4,430 at 5,250 talampakan) sa taas ng dagat. Nagbubukas ang lambak sa isang kapatagan na dahan-dahang dumadalisdis pababa sa silangang baybayin ng Lawa ng Urmia, 60 km (37 mi) sa kanluran. Sa mga malamig na taglamig at katamtamang tag-init, tinuturing ang Tabriz bilang isang bakasyunan sa tag-init. Ipinangalan ito bilang Pandaigdigang Lungsod na Humahabi ng Alpombra ng Pandaigdigang Konseho ng Kasanayan (World Crafts Council) noong Oktubre 2015[2] at Huwarang Lungsod Panturista noong 2018 ng Organisasyon ng Islamikong Kooperasyon.[3][4]

Tanaw sa himpapawid ng hilagang-silangan ng Tabriz, Mayo 2012

May populasyon na higit sa 1.7 milyon (2016),[5] ang Tabriz ay ang pinakamalaking ekonomikong sentro at kalakhang lugar sa Hilagang-kanlurang Iran. Labis na Aserberyano ang populasyon, bagaman, Persyano ang sinasalita ng mga residente bilang ikalawang wika.[6] Isang pangunahing sentro ng industriyang mabigat ang Tabriz para sa mga awtomobil, kagamitang makina, pagdalisayan ng petrolyo, petrokimiko, tela at produksyon ng sementong mga industriya.[7] Sikat ang lungsod sa mga gawaing-kamay nito, kabilang ang mga alpombra at alahas na hinabi ng kamay. Kinikilala ang mga lokal na kompiteriya, tsokolate, pinatuyong mani at tradisyonal na pagkain ng Tabriz sa buong Iran bilang ilan sa mga pinakamahusay. Isa ring akademikong sentro ang Tabriz at isang lugar para sa ilan sa mga pinaka-prestihiyosong institusyon ng kultura sa Hilagang-kanlurang Iran.

Naglalaman ang Tabriz ng maraming mga bantayog na pangkasaysayan, na kumakatawan sa paglipat ng arkitektura ng Iran sa buong malalim na kasaysayan nito. Nabibilang sa karamihan ng mga nakapreserbang makasaysayang lugar sa Tabriz ang Ilkanato, Safabida at Kayar.[8][9] Kabilang sa mga lugar na iyon ang Gran Bazar ng Tabriz, na itinalaga bilang Pandaigdigang Pamanang Pook.[10][11] Mula sa maagang makabagong panahon, naging mahalaga ang Tabriz sa pag-unlad, pag-kilos at ekonomiya ng tatlo nitong kapitbahay na mga rehiyon; ang Kaukasya, Silangang Anatolia at Gitnang Iran.[12] Sa makabagong panahon na lungsod, gumanap ito ng isang mahalagang pagganap sa kasaysayan ng Iran. Bilang isang pinakamalapit na sentro ng bansa sa Europa, nagsimula ang marami sa aspeto ng maagang modernisasyon sa Iran sa Tabriz.[12] Bago ang puwersahang pagsuko ng mga teritoryong Kaukasya ng dinastiyang Kayar sa Imperyong Ruso, pagkatapos ng dalawang Digmaang Ruso-Persyano noong unang kalahati ng ika-19 na dantaon, nanguna ang Tabriz sa pamamahala ng Iran sa mga teritoryong Kaukasya. Hanggang 1925, tradisyunal na tahanan ang lungsod ng Kayar na mga prinsipeng tagapagmana.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "AZERBAIJAN". Encyclopaedia Iranica, Vol. III, Fasc. 2–3 (sa wikang Ingles). 1987. pp. 205–257. {{cite ensiklopedya}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Celebration of the "World Carpet Weaving City" on 6 Oct, 2015, in Tabriz, Iran". World Crafts Council Asia Pacific region (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Tabriz named as exemplary tourism city for 2018" (sa wikang Ingles). realiran. Disyembre 24, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-21. Nakuha noong Hulyo 9, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Tabriz selected OIC City of Tourism for 2018" (sa wikang Ingles). IRNA. Disyembre 24, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 22, 2016. Nakuha noong Hulyo 9, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "نتايج سرشماري – جمعيت و خانوار به ترتيب استان، شهرستان" (sa wikang Arabe). Statistical Center of Iran.
  6. "2011 Census – Natayej" (PDF) (sa wikang Ingles). Iran: Statistical Centre. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-07-03. Nakuha noong 2008-02-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Results of national 2007 census" (sa wikang Ingles). Statistical Center of Iran. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-25. Nakuha noong 2013-02-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "East Azerbaijan Geography". Editorial Board (sa wikang Ingles). Iranian Ministry of Education. 2000. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "de beste bron van informatie over tabrizcity. Deze website is te koop!" (sa wikang Ingles). tabrizcity.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-16. Nakuha noong 2012-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Tabriz Historic Bazaar Complex". UNESCO World Heritage Centre (sa wikang Ingles). UNESCO. 2010-07-31. Nakuha noong 2012-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Assari, Ali; Mahesh, T. M. (Disyembre 2011). "Compatitive Sustainability of bazaar in Iranian traditional cities: Case Studies in Isfahan and Tabriz" (PDF). International Journal on Technical and Physical Problems of Engineering (sa wikang Ingles). 3 (9): 18–24. Nakuha noong 2013-01-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 electricpulp.com. "TABRIZ v. The city in the 19th century". Encyclopaedia Iranica (sa wikang Ingles).