1998 sa Pilipinas
Ang 1998 sa Pilipinas ay mga pangyayaring mahalaga sa Pilipinas sa taong 1998.
Mga Nanunungkulan
baguhin- Pangulo: Fidel V. Ramos (Lakas) (Hanggang Hunyo 30); Joseph Estrada (NPC) (Simula Hunyo 30)
- Pangalawang Pangulo: Joseph Estrada (NPC) (Hanggang Hunyo 30); Gloria Macapagal-Arroyo (Lakas) (Simula Hunyo 30)
- Pangulo ng Mataas na Kapulungan (Senado): Neptali Gonzales
- Ispiker ng Mababang Kapulungan (Kapulungan ng mga Kinatawan): Jose de Venecia
- Punong Mahistrado: Andres Narvasa
- Kongreso: Ika-10 na Kongreso (Hanggang Hunyo 5); Ika-11 na Kongreso (Simula Hulyo 27)
Kaganapan
baguhin- Enero 28 – Binihag ng mga armado ang hindi bababa sa 400 mga bata at mga guro sa loob ng ilang oras, sa isang mababang paaralan sa Maynila.
- Pebrero 2 – Bumagsak ang Cebu Pacific Flight 387 sa mga dalisdis ng Bundok Sumagaya sa Claveria, Misamis Oriental, 104 pasahero ang namatay.
- Marso 8 – Ang Compostela Valley, ay itinatag bilang ika-78 lalawigan, sa pamamagitan ng Batas Republika Bilang 8470.
- Mayo 11 – Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 1998.
- Hunyo 12 – Ipinagdiriwang ang Sentenaryo ng Kalayaan o ang Ika-100 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.
- Hunyo 30 – Nanumpa si dating Pangalawang Pangulo Joseph Estrada bilang ika-13 Pangulo ng Pilipinas.
Kapanganakan
baguhin- Enero 4 - Liza Soberano, aktres
- Enero 10 - Ayra Mariano, aktres
- Pebrero 3 - James Teng, aktor
- Pebrero 16 - Jack Reid, aktor at modelo
- Pebrero 24 - Mariel Pamintuan, aktres
- Marso 27 - BJ Forbes, aktor
- Marso 30 - Janella Salvador, aktres
- Abril 16 - Paul Salas, aktor
- Mayo 27 - Sachzna Laparan, modelo at aktres
- Agosto 1 – Barbie Imperial, aktres at mananayaw
- Agosto 19 - Ella Guevara, aktres
- Agosto 21 - Prince Villanueva, aktor
- Agosto 24 - Sofia Andres, aktres
- Setyembre 21 - Miguel Tanfelix, aktor
- Oktubre 1 - Ryle Paolo Santiago, aktor, miyembro ng Hashtags
- Oktubre 10 - Nash Aguas, aktor
- Nobyembre 10 - Renz Valerio, aktor
- Nobyembre 11 - Carlo Lacana, aktor
- Disyembre 2 - Gabbi Garcia, aktres at endorser
- Disyembre 9 - Mika Dela Cruz, aktres
- Disyembre 26 - Ashley Ortega, aktres
- Disyembre 28 - Aaron Junatas, aktor
Kamatayan
baguhin- Enero 9 – Charito Solis, aktres (ipinanganak 1935)
- Pebrero 6 – Miguel Rodriguez, aktor at modelo (ipinanganak 1961)
- Abril – Pancho Magalona, aktor (ipinanganak 1921)
- Hunyo 11 – Leopoldo Salcedo, aktor (ipinanganak 1912)
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Taon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.