Senado ng Pilipinas
Ang Senado ng Pilipinas ay ang mataas na kapulungan sa dalawang kamara ng tagapagbatas ng Pilipinas, ang Kongreso ng Pilipinas. Hindi katulad ng Senado ng Estados Unidos, binubuo ang Senado ng Pilipinas ng 24 mga senador na hindi kinakatawan ang kahit anong partikular na distritong pang-heograpiya.
Senado ng Pilipinas Senate of the Philippines | |
---|---|
Ika-18 Kongreso ng Pilipinas | |
Uri | |
Uri | Mataas na Kapulungan |
Term limits | 2 termino (12 taon) |
Pinuno | |
Joel Villanueva, Independyente Simula Hulyo 25, 2022 | |
Estruktura | |
Mga puwesto | 24 na mga Senador |
Mga grupong pampolitika | Majority bloc (20):
Minority bloc (4): |
Mga komite | 40 natataning komite |
Haba ng taning | 6 na taon, nababago |
Otoridad | Artikolo VI, Saligang Batas ng Pilipinas |
Halalan | |
Plurality-at-large voting | |
Huling halalan | Mayo 13, 2019 |
Susunod na halalan | Mayo 9, 2022 |
Lugar ng pagpupulong | |
Gusali ng GSIS, Lungsod ng Pasay | |
Websayt | |
http://www.senate.gov.ph |
Nagsisilbi ang mga senador sa 6-taong termino, kasama ang kalahati ng mga senador na hinahalal sa bawat 3 taon. Sa ganitong paraan, isang katawang nagpapatuloy ang Senado. Nang mabalik ang Senado ng Saligang Batas ng 1987, nahalal ang 24 mga senador noong 1987 at nagsilbi hanggang 1992. Noong 1992, ang mga kandidato nagkamit ng 12 pinakamataas na bilang ng mga boto ang naglingkod hanggang 1998, habang hanggang 1995 lamang ang sumunod na 12. Simula noon, nahahalal ang bawat senador sa buong termino na 6 na taon.
Maliban sa mag-aaral at paggawa ng mga panukalang batas na ipapasa para lagdaan ng Pangulo upang maging ganap na batas, ang senado lamang ang kinatawan ng pamahalaan ng Pilipinas na maaaring magsabatas ng mga kasunduan sa ibang bansa, at makapaglitis ng mga kasong pagkakatuwalag.
Kasaysayan
baguhinNag-ugat ang Senado sa Philippine Commission ng Pamahalaang Insular. Sa ilalim ng Philippine Organic Act, mula 1907 hanggang 1916, ang Philippine Commission na pinamumunuan ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas ay nagsisilbing mataas na kapulungan ng Philippine Legislature, at ang Philippine Assembly bilang mga halal na kinatawan ng mababang kapulungan. Kasabay nito, ang gobernador-heneral ang nagsisilbing sangay na tagapangulo.
Noong Agosto 29, 1916, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Philippine Autonomy Act o higit na kilala bilang "Jones Law", na nagbuo sa Philippine Legislature, na nahahati sa dalawang kapulungan, ang Senado bilang Mataas na kapulungan, at ang Kapulungan ng mga Kinatawan. Nanatiling Tagapangulo ang Gobernador-Heneral ng Pamahalaang Insular.
Nagpatuloy ito hanggang 1935, nang maipasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Philippine Independence Act o ang "Tydings–McDuffie Act", na nagbibigay karapatan sa mga Pilipino magbuo ng kanilang sariling saligang batas bilang paghahanda sa kanilang kasarinlan, kung saan itinatag nila ang isang unikameral na Pambansang Asambleya, na nagbuwag sa Senado. Bago pa man gamitin ang saligang batas ng 1935, may ilang mga susog na ang iminungkahi. Noong 1938, sinimulang kilalanin ng Pambansang Asambleya ang mga mungkahing ito, na kinabibilangan ng pagpapanatili ng Senado bilang mataas na kapulungan ng Kongreso. Ang susog ng saligang batas ng 1935 na gawing lehislaturang bikameral ay naipasa noong 1940 at isinigawa ang halalan para sa bagong mataas na kapulungan noong Nobyembre 1941.
Komposisyon
baguhinAyon sa Artikulo VI, Seksyon 2 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang senado ay dapat buuin ng dalawampu’t apat na Senador na dapat ihalal sa kalahatan ng mga kwalipikadong botante ng Pilipinas, ayon sa maaaring itadhana ng batas.[1]
Ang komposisyon ng Senado ay higit na maliit kung ihahambing sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Ang mga kasapi ng kapulungan na ito ay halal ng kalahatan ng mga kwalipikadng botante. Ang makatwirang paliwanag dito ay upang gawin ang senado bilang sanayan para maging pambansang tagapamuno o maging Pangulo ng Pilipinas.
Pinipili ang mga kandidatong senador ng mga pinuno ng mga pangunahing partidong politikal o mga koalisyon ng mga partido. Ang proseo sa pagpili ay hindi malinaw at isinasagawa ng pribado. Kaya ang kawalan ng rehiyunal na pagkatawan sa Senado ay nagpapalala sa sistema ng pamamahala, na ang halos lahat ng kapangyarihan ay nagmumula sa Kalakhang Maynila. Madalas iminumungkahi na ang bawat rehiyon ng bansa ay dapat maghalat ng kani-kaniyang mga senador, upang magkaroon ng wastong pagkatawan ang mga tao.
Kwalipikasyon
baguhinNakasaad sa Artikulo VI, Seksiyon 3, ng saligang batas ng 1987 ang mga kwalipikasyon upang maging isang senador sa Pilipinas:
- Hindi dapat maging senador anga sino mang tao matangi kung siya ay katutubong inaanak na mamamayan ng Pilipinas, at, sa araw ng halalan, tatlumpu’t limang taong gulang man lamang, nakababasa at nakasusulat, rehistradong botante, at naninirahan sa Pilipinas sa loob ng panahong hindi kukulangin sa dalawang taon kagyat bago sumapit ang araw ng halalan.
Kapangyarihan
baguhinInihulma ang Senado ng Pilipinas sa Senado ng Estados Unidos; may dalawang kapulungan ng mga kinatawan, na may halos pantay na kapangyarihan, at bawat panukalang batas o resolusyon na dadaan sa parehong kapulungan ay kinakailangan na may pahintulot sa parehong kapulungan bago ito maipasa upang lagdaan ng pangulo. Kapag hindi naipasa ang panukalang batas sa Senado, hindi na ito magiging ganap na batas. Kapag ang panukalang batas ay pinagtibay ng senado sa ikatlong basa, ang panukalang batas ay ipapasa sa mababang kapulungan, maliban na lamang kung mayroong itong kahalintulad na batas sa mababang kapulungan. Kapag ang kahalintulad na panukalang batas sa mababang kapulungan ay iba sa naipasa ng senado, maaaring magkaroon ng bikameral na pagpupulong na binubuo ng mga kasapi ng dalawang kapulungan upang pagtugmain ang pagkakaiba ng panukalang batas, o maaari rin na alin man sa kapulungan ang pagtibayin ang kahalintulad na panukala ng kabilang kapulungan.
Kasalukuyang mga kasapi
baguhinSenador | Partido | Mga Panunungkulan | |||
---|---|---|---|---|---|
Bilang | Simula | Dulo | |||
Sonny Angara | LDP | 2 | Hunyo 30, 2019 | Hunyo 30, 2025 | |
Nancy Binay | UNA | 2 | |||
Pia Cayetano | Nacionalista | 1 | |||
Ronald dela Rosa | PDP–Laban | 1 | |||
Bong Go | PDP–Laban | 1 | |||
Lito Lapid | NPC | 1 | |||
Imee Marcos | Nacionalista | 1 | |||
Koko Pimentel | PDP–Laban | 3 | |||
Grace Poe | Independent | 2 | |||
Bong Revilla | Lakas–CMD | 1 | |||
Francis Tolentino | PDP–Laban | 1 | |||
Cynthia Villar | Nacionalista | 2 | |||
Alan Peter Cayetano | Independent | 1 | Hunyo 30, 2022 | Hunyo 30, 2028 | |
JV Ejercito | NPC | 1 | |||
Francis Escudero | NPC | 1 | |||
Jinggoy Estrada | PMP | 1 | |||
Win Gatchalian | NPC | 2 | |||
Risa Hontiveros | Akbayan | 2 | |||
Loren Legarda | NPC | 1 | |||
Robin Padilla | PDP–Laban | 1 | |||
Raffy Tulfo | Independent | 1 | |||
Joel Villanueva | Independent | 2 | |||
Mark Villar | Nacionalista | 1 | |||
Migz Zubiri | Independent | 2 |
Partido komposisyon
baguhinParty | Total | % | |
---|---|---|---|
Nacionalista | 5 | 21% | |
UNA | 5 | 21% | |
Liberal | 4 | 17% | |
Lakas | 2 | 8% | |
NPC | 2 | 8% | |
PDP-Laban | 1 | 4% | |
LDP | 1 | 4% | |
PRP | 1 | 4% | |
Independent | 3 | 13% | |
Total | 24 | 100% |
Mga sanggunian
baguhinTingnan din
baguhin- Politika ng Pilipinas
- Mga pinuno ng Floor sa Senado ng Pilipinas
- Pro-Tempore ng Pangulo ng Senado ng Pilipinas
- Pangulo ng Senado ng Pilipinas
- Pinuno ng Mayorya sa Senado ng Pilipinas
- Pinuno ng Minorya sa Senado ng Pilipinas
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.