Abenida Tandang Sora

Ang Abenida Tandang Sora (Tandang Sora Avenue) ay isang pangunahing silangan-pakanlurang lansangan na dumadaan sa Lungsod Quezon sa Kalakhang Maynila. Isa itong pandalawahan hanggang pang-animang lansangan at daang panlungsod na dumadaan 9.6 kilometro (6.0 milya) mula sa silangang dulo nito sa Abenida Magsaysay sa Matandang Balara at kampus ng U.P. hanggang sa kanlurang dulo nito sa Lansangang Quirino sa Baesa at Talipapa sa Novaliches. Dinadaanan nito ang mga Barangay Culiat, New Era, Pasong Tamo, Tandang Sora at Sangandaan.


C-5

Abenida Tandang Sora
Tandang Sora Avenue
Abenida Tandang Sora sa silangan ng Abenida Commonwealth sa Barangay Matandang Balara
Impormasyon sa ruta
Haba9.6 km (6.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N127 (Lansangang Quirino) at Daang Tullahan sa Talipapa at Baesa
 
Dulo sa silangan N129 (Abenida Katipunan) at Abenida Magsaysay sa kampus ng U.P. at Matandang Balara
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang bahagi ng abenida sa Matandang Balara at Kampus ng U.P. Campus sa silangan ng Abenida Commonwealth ay isang pambansang daang sekundarya na may nakatakdang rutang N129. Bahagi rin ito ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5) ng sistema ng daang arteryal ng Kalakhang Maynila. Ang nalalabing bahagi ng Abenida Tandang Sora sa kanluran ng Abenida Commonwealth (sa mga Barangay Tandang Sora at Culiat) ay isang makitid na daang pambayan na ibinukod bilang isang pambansang daang tersiyaryo.[1]

Pasilangang Abenida Tandang Sora malapit sa panulukan nito sa Lansangang Quirino sa Barangay Talipapa

Ipinangalan ang abenida mula sa kinaroroonan nito na Barangay Tandang Sora. Ang pangalan ng barangay naman ay binago mula sa Talipapa noong 1952 sa karangalan ng bayaning si Melchora Aquino, ang "Ina ng mga Katipunero."[2]

Itinayo noong 2009 bilang bahagi ng proyekto ng Daang C-5 ang isang flyover na nag-uugnay ng Abenida Tandang Sora sa Abenida Luzon sa ibabaw ng Abenida Commonwealth.[3] Noong Pebrero 2019, inihayag ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan ang paggiba ng flyover sa ibabaw ng Abenida Commonwealth sa bagtasang Tandang Sora sa New Era upang mabigyang daan ang pagtatayo ng estasyong Tandang Sora ng Ikapitong Linya ng Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila (MRT-7).[4] Nakapanukala rin ang isang estasyon ng Metro Manila Subway sa sangandaan ng abenida sa Abenida Mindanao sa Barangay Tandang Sora.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "2017 Road Data - National Capital Region". Department of Public Works and Highways. Nakuha noong 29 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. "R.A. No. 727". The Corpus Juris. Nakuha noong 29 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ong, Ghio; Flores, Helen (29 Hunyo 2009). "DPWH: Tandang Sora-Luzon Avenue flyover done by yearend". The Philippine Star. Nakuha noong 29 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Rey, Aika (14 Pebrero 2019). "Tandang Sora flyover in Quezon City to be demolished for MRT7". Rappler. Nakuha noong 29 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Vera, Ben O. de. "1st 3 Metro Manila subway stations seen operational by 2022". Nakuha noong 29 Marso 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°40′19″N 121°3′1″E / 14.67194°N 121.05028°E / 14.67194; 121.05028