Adventure Time
Ang Adventure Time (na may orihinal na pamagat na Adventure Time with Finn & Jake) ay isang Amerikanong seryeng pantelebisyon na nilikha ni Pendleton Ward para sa Cartoon Network. Ang seryeng ito ay tumatalakay hinggil sa mga pakikipagsapalaran ni Finn (sa tinig ni Jeremy Shada), isang batang-tao, at ng kanyang matalik na kaibigan at mapag-arugang kapatid na si Jake (sa tinig ni John DiMaggio), isang aso na may kakaibang kapangyarihan upang magbago ng hugis, magpalaki at magpaliit kung nanaisin nito. Nabubuhay sina Finn at Jake sa Lupain ng Ooo (Land of Ooo). Sa kanilang paglalakbay ay makikilala nila ang iba pang mga pangunahing tauhan ng palabas: sina Prinsesa Bubblegum (sa tinig ni Hynden Walch), Ang Haring Yelo (sa tinig ni Tom Kenny), at Marceline ang Reynang Bampira (sa tinig ni Olivia Olson).
Adventure Time | |
---|---|
Uri | Pakikipagsapalaran Comedy-drama Science-fantasy |
Gumawa | Pendleton Ward |
Isinulat ni/nina | Pendleton Ward Patrick McHale Adam Muto Tim McKeon Merriwether Williams Steve Little Thurop Van Orman Kent Osborne Mark Banker |
Direktor | Larry Leichliter |
Creative director | Patrick McHale Cole Sanchez Adam Muto Nate Cash |
Boses ni/nina | Jeremy Shada John DiMaggio Hynden Walch Niki Yang Tom Kenny Olivia Olson Martin Olson Dee Bradley Baker Pendleton Ward Polly Lou Livingston Jessica DiCicco Maria Bamford |
Kompositor | Casey James Basichis & Tim Kiefer |
Bansang pinagmulan | Estados Unidos |
Bilang ng season | 5 |
Bilang ng kabanata | 126 (List of Adventure Time episodes) |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Derek Drymon Fred Seibert Para sa Cartoon Network: Curtis Lelash Brian A. Miller Jennifer Pelphrey Rob Swartz Rob Sorcher[1] |
Prodyuser | Kelly Crews Adam Muto (gumawang nangangasiwa) |
Oras ng pagpapalabas | 11 minuto |
Kompanya | Frederator Studios Cartoon Network Studios |
Pagsasahimpapawid | |
Picture format | 1080i |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 5 Abril 2010 3 Setyembre 2018 | –
Website | |
Opisyal | |
Production |
Ang serye ay batay sa isang maikling palabas na binuo para sa munting serye ng Nicktoons at Frederator Studios na Random! Cartoons. Matapos itong maging patok sa Internet, kinuha ito ng Cartoon Network para gawing isang buong serye na unang ipinalabas noong 11 Marso 2010, at opisyal na nag-umpisa noong 5 Abril 2010. Ang serye, na ang inspirasyon ay mula sa pantasyang dulaang laro (fantasy role-playing game) na Dungeons & Dragons at maging sa ibang mga larong bidyo, ay ipinrodyus sa pamamagitan ng animasyong guhit-kamay. Nililikha ang mga kabanata sa pamamagitan ng proseso ng storyboarding, at ang isang kabanata ay inaabot ng walo hanggang siyam na buwan upang matapos, bagama't sabay-sabay na ginagawa ang mga buong kabanata. Ang mga gumaganap sa Adventure Time ay sama-samang nagrerekord ng kanilang mga linya, di-gaya ng iba't-ibang sesyon ng rekording sa bawat aktor na nagbibigay-tinig, at regular ding kumukuha ang serye ng mga panauhing aktor at aktres para sa mga munti at bumabalik na mga tauhan. Bawat kabanata sa Adventure Time ay mga labing-isang minuto ang haba; madalas ay pares ng mga kabanata ang ipinalalabas upang mapunan ang nakalaan sa kanilang kalahating-oras.
Nakatapos na ang serye ng limang kapanahunan o season, kasalukuyang nasa ikaanim nito, at nakatakdang magkaroon ng ikapito. Mula noong ito'y nag-umpisa, naging matagumpay sa ratings ang Adventure Time. Mula Marso 2013, tinatayang nasa 2 hanggang 3 milyong manonood bawat linggo ang nakatutok sa palabas. Nakatanggap din ng mga positibong puna ang palabas mula sa mga kritiko at nagkaroon ng mga masugid na tagasunod ng mga kabataan at matatanda, na karamihan sa kanila'y nahikayat dahil sa animasyon ng serye, sa kuwento, at sa mga tauhan. Nagwagi na ang Adventure Time ng dalawang Annie Awards sa labing-apat na nominasyon nito, dalawang Primetime Emmy Awards sa pitong nominasyon nito, dalawang British Academy Children's Awards, at isang Motion Picture Sound Editors Award. Nanomina na rin ang serye para sa tatlong Critics' Choice Television Awards, at isang Sundance Film Festival Award, kasama ng iba pa. Ang bersiyong aklat-komiks nito'y nagwagi ng isang Eisner Award at dalawang Harvey Awards. Dagdag dito, nakapagprodyus na rin ang serye ng maraming mga damit at iba pang mga gamit, mga larong bidyo, mga aklat-komiks, at mga natitipong DVD (DVD compilations).
Sa Pilipinas, ang Adventure Time ay ipinapalabas sa cable channel na Cartoon Network at sa lokal na channel na TV5.
Mga Pangunahing Tauhan
baguhinMga Bida
baguhin- Finn ang Tao (Finn the Human) - Si Finn ay isang 14 na taong gulang na bata na walang ginawa kundi mag lakbay (adventure) at maging bayani. Ang kanyang kasalukuyang inspirasyon ay si Flame Princess na ipinakita sa seryeng "Incendium", "Hot to The Touch", at "Burning Low".
- Jake ang Aso (Jake the Dog) - Si Jake ay isang 28 na taong gulang na aso na may kakaibang kapangyarihan na puwede siyang mag-iba ng porma o hugis. Ang kanyang karelasiyon ay si Lady Rainicorn, isang rainicorn na puwedeng magbalatkayo (camouflage) at dumaan sa mga pader o ano mang harang.
Pagpapalabas
baguhinHindi lang sa Cartoon Network ipinapalabas ang Adventure Time. Ipinapalabas din ito sa ibang bansa sa Free TV
Country | Channel |
---|---|
Alemanya | Cartoon Network kabel eins |
Pilipinas | Cartoon Network TV5 |
Australia | Cartoon Network GO! |
Espanya | Cartoon Network Boing! |
Ecuador | Cartoon Network Gama TV |
Mehiko | Cartoon Network Canal 5 |
Canada | Cartoon Network Teletoon |
Rusya | Cartoon Network 2x2 |
Italya | Cartoon Network Boing! |
Israel | Arutz HaYeladim |
Nicaragua | Cartoon Network Canal 13 |
Venezuela | Televen |
Peru | Frecuencia Latina |
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "Adventure Time". Frederator Studios. Nakuha noong Mayo 15, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)