Inhinyeriyang pang-aeroespasyo

(Idinirekta mula sa Aerospace engineer)

Ang inhinyeriyang pang-aerospasyo (o pangsasakyang himpapawid) ay ang pangunahing sangay ng inhinyeriya na nakatuon sa pagdidisenyo, pagbubuo, at agham ng mga sasakyang panghimpapawid at mga sasakyang pangkalawakan.[1] Nahahati ito sa dalawang pangunahin at nagkakapatung-patong na mga sangay: ang inhinyeriyang nautikal at ang inhinyeriyang astronautikal. Ang inhinyeriyang nautikal ay humaharap sa mga sasakyang nananatili sa atmospera ng Daigdig, samantalang ang inhinyeriyang astronautikal ay humaharap sa mga sasakyang napapaandar sa labas ng atmospera ng Daigdig.

Ang inhinyeriyang pang-aerospasyo ay humaharap sa pagdidisenyo, pagbubuo, at pag-aaral ng agham na nasa liko ng mga puwersa at mga katangiang pisikal ng mga sasakyang panghimpapawid, mga sasakyang kuwitis, mga sasakyang lumilipad, at mga sasakyang pangkalawakan. Ang larangan ay sumasakop din sa mga katangian at gawi na aerodinamiko, palarang panghangin, mga pangkontrol ng mga kaibabawan, pag-angat, pagkaladkad, at iba pang mga katangiang pag-aari. Hindi dapat ikalito ang inhinyeriyang pang-aeroespasyo sa sari-saring mga larangan ng inhinyeriya na pumapasok sa mga elemento ng pagdidisenyo ng ganitong masasalimuot na mga sasakyan. Bilang halimbawa, ang pagdidisenyo ng abyoniks ng sasakyang panghimpapawid, na habang talagang bahagi ng sistema bilang isang kabuoan, ay mas maisasaalang-alang na inhinyeriyang pangkuryente, o marahil ay nasa inhinyeriyang pangkompyuter. O ang isang sistema ng kambiyong pangpaglapag ng isang sasakyang panghimpapawid ay maaaring ituring na pangunahin na nasa larangan ng inhinyeriyang mekanikal. Karaniwang mayroong isang kumbinasyon ng maraming mga disiplina na bumubuo sa inhinyeriyang pang-aeroespasyo.

Habang ang "inhinyeriyang aernautikal" ay ang dating kataga para sa inhinyeriyang pang-aeroespasyo, ang mas malawak na salitang "aerospace" ay lumampas na sa orihinal na kahulugan ng paggamit nito, dahil sumulong na ang teknolohiya sa paglipad upang maisama ang sasakyan na umaandar sa kalawakan.[2] Ang inhinyeriyang pang-aeroespasyo, partikular na ang sangay ng astronotika, ay kadalasang palasak na tinutukoy bilang "agham na pangkuwitis",[3] bagaman ito ay isang tanyag nungit maling katawagan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Encyclopedia of Aerospace Engineering. Wiley & Sons. Oktubre 2010. ISBN 978-0-470-75440-5.
  2. Stanzione, Kaydon Al (1989). "Engineering". Encyclopædia Britannica. Bol. 18 (ika-15 (na) edisyon). Chicago. pp. 563–563.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  3. Longuski, Jim (2004). Advice to Rocket Scientists: A Career Survival Guide for Scientists and Engineers. Reston, Virginia: AIAA (American Institute of Aeronautics and Astronautics). p. 2. ISBN 1-56347-655-X. If you have a degree in aerospace engineering or in astronautics, you are a rocket scientist.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.