Agham pang-aklatan
Ang agham pang-aklatan ay isang larangan ng pag-aaral kung saan pinaghalo ang mga kaugalian, mga perspektibo, at mga kagamitan ng pamamahala, teknolohiyang pang-impormasyon, edukasyon at iba pang temang nauukol sa mga aklatan; ang pagtipon, ang pag-aayos, ang pag-aalaga at ang pagpapalaganap ng mga kagamitang nagbibigay ng impormasyon
Walang napagkasunduang pagkakaiba sa pagitan ng mga terminong agham pang-aklatan, pagpapakabibliyotekaryo (librarianship), at agham pang-aklatan at pang-impormasyon, at sa ilang pagkakataon, maari pa silang magpalit-palit. Ang terminong agham pang-aklatan at pang-impormasyon ay ang pinakamadalas na ginagamit. Karamihan sa mga biblyotekaryo (librarian) ay tinuturing lamang ito bilang isang terminong nagbibigay-diin sa pang-agham at teknikal na pundasyon ng pag-aaral na ito at ang relasyon nito sa agham pang-impormasyon.
Maraming aktibong biblyotekaryo ay hindi tumutulong sa pag-aaral ng agham pang-aklatan at pang-impormasyon, sa halip ay nakatuon sa pangaraw-araw na gawain sa kani-kanilang mga aklatan. Mayroon pa rin naming mga aktibong biblyotekaryo, lalo na iyong mga nagtatrabaho sa mga akademikong aklatan, na gumagawa ng orihinal na pananaliksik tungkol sa agham pang-aklatan at pang-impormasyon at tumutulong sa pag-aaral nito. Sa batayang ito kaya minsa’y iminumungkahing ihiwalay ang agham pang-aklatan at pang-impormasyon sa pagiging biblyotekaryo sa paraang maihahambing sa pagkakaiba ng medisina at pagiging manggagamot. Sa ganitong pagtingin, ang pagpapakabibliyotekaryo, ang paggamit ng agham pang-aklatan, ay binubuo ng mga praktikal na serbisyong inihahandog ng mga biblyotekaryo sa kanilang pang-araw-araw na pagtangkang pagtugon sa mga pangagailangan ng mga parokyano ng kanilang aklatan.