Aishwarya Rajesh
Si Aishwarya Rajesh (ipinanganak noong 10 Enero 1990) ay isang artistang Indiyano na lumalabas sa mga pelikulang Tamil, kasama ang mga pelikulang Telugu at Malayalam. Nakatanggap siya ng apat na SIIMA Award, isang Filmfare Award South at isang Tamil Nadu State Film Award.
Nagsimula ang karera ni Aishwarya bilang tagapagtanghal sa telebisyon sa komedyang palabas na tinatawag na Asatha Povathu Yaaru? sa Sun TV. Pagkatapos manalo sa reality show na Maanada Mayilada, una siyang lumabas sa Neethana Avan (2010)[1] at tumanyag pagkatapos lumabas sa Attakathi (2012)[2] na gumanap bilang si Amudha. Natanggap niya ang parangal para sa Pinakamahusay na Aktres sa Tamil Nadu State Film Award para pelikula noong 2014 na Kaaka Muttai noong gabi ng parangal ng Tamil Nadu State Film Awards.[3] Nakuha niya ang dalawang pambihirang tagumpay niya sa pag-arte nang gumanap siya bilang Padma sa Vada Chennai (2018) ni Vetrimaaran kasama si Dhanush at bilang Kousalya Murugesan, isang babae na naglalaro ng kriket, sa kanyang solong pelikula na Kanaa (2018).[4][5]
Jomonte Suvisheshangal (2017) ang kanyang unang pelikulang Malayalam kasama si Dulquer Salmaan.[6] Una namang siyang lumabas sa pelikulang Hindi noong 2017 sa pelikulang Daddy kasama si Arjun Rampal.[7] Kousalya Krishnamurthy (2019), na isang muling paggawa ng kanyang pelikula noong 2018 na Kanaa ang kanya namang unang pelikulang Telugu.[8]
Maagang buhay
baguhinIpinanganak si Aishwarya Rajesh noong 10 Enero 1990 sa isang pamilyang Telugu sa Chennai (na kilala noon bilang Madras).[9][10] Isang artista ng pelikulang Telugu ang kanyang ama na si Rajesh.[11][12] Namatay ang kanyang ama noong 8 taong gulang si Aishwarya.[13] Artista din ang kanyang lolo na si Amarnath,[12] habang komedyante naman ang kanyang tiyahin na si Sri Lakshmi, na may higit sa 500 pelikulang nagawa.[13] Siya ang bunso sa apat na magkakapatid, na namatay ang dalawa niyang kuya noong tinedyer pa lamang siya.[14]
Nag-aral siya sa Shrine Vailankanni, Chennai, Sree Vidyanikethan International School, Tirupati, at Holy Angels Anglo Indian Higher Secondary School, Chennai.[15] Noong 1996, lumabas siya bilang bata sa pelikulang Telugu na Rambantu.[16]
Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Ethiraj para sa Kababaihan sa Chennai at nagtapos sa digri na B.Com.[17] Nagsimula siyang matutong magsayaw simula noong kinailangan niyang ikoreograpo ang isang palabas sa entablado para sa isang pangkalinangang pista at sa kalaunan, pumasok sa reality show na Maanada Mayilada sa Kalaignar TV. Nanalo siya sa ikatlong yugto (o season) ng palabas at inalok na gumanap sa mga pelikula simula noon.[13]
Karera
baguhin2010–2015
baguhinNoong mga maagang yugto ng kanyang karera, nagtrabaho si Aishwarya bilang tagapagtanghal sa mga set ng palabas sa telebisyon na Asathapovathu Yaaru.[18] Noong 2010 naman ang kanyang unang palabas sa pelikula sa Neethana Avan, na isang pelikulang Tamil, at noong 2014, nakita siyang kasama ni Vijay Sethupathi sa dalawang pelikula, ang Rummy at Pannaiyarum Padminiyum, na nilabas sa loob ng dalawang linggo. Habang ang unang pelikula ay isang dramang pangnayon na noong dekada 1980 ang tagpuan, ang sumunod naman ay batay sa isang maikling pelikula na may kaparehong pangalan, at umiinog sa isang matandang lalaki at kanyang antigong kotse na Premier Padmini.[19][20] Pinuri ng mga kritiko ang kanyang pagganap, lalo na sa Rummy.[21][22] Sinulat ng Hindustan Times na "labis na gumaganda ang karera" ("extremely promising") niya[23] habang binanggit ng kritiko ng pelikula na si Baradwaj Rangan na "mapagpahayag" (expressive") siya, at tinawag siyang "isang tonikong pampasigla na itinataboy ng mga alabastrong automata na madalas nating nakukuha sa bidang babae."[24][25] Sa kalaunan ng taong iyon, lumabas siya sa isang sekwensya ng awitin sa Kathai Thiraikathai Vasanam Iyakkam ni R. Parthiepan at bilang bidang babae sa Thirudan Police.[26] Noong Abril 2014, nagsimula siyang masangkot sa pagsasagawa ng pelikulang Idam Porul Yaeval ni Seenu Ramasamy, subalit hindi pa naipapalabas ang pelikula noong Mayo 2020.[27]
Ang kanyang unang paglabas noong 2015 ay sa Kaaka Muttai. Pinuri ng mga kritiko ang kanyang pagganap bilang isang taong naninirahan sa pook ng mga dukha at ina ng dalawang anak. Sinulat ni Baradwaj Rangan na "tinatanghal nito ang nakamamanghang pagganap mula sa lahat...lalo na kay Aishwarya Rajesh, na gumanap bilang ina ng kanyang mga anak sa isang mundong may kapaguran na pinasinungalingan ang kanyang mga taon."[28] Ipinahayag ng ibang mga tagasuri na "napakahusay" niya,[29] ginampanan niya ang kanyang papel "na may pambihirang kadalian"[30] at "iiwan ka niyang namangha."[31][32] Sa taon din na iyon, nangyari ang una niyang paglabas sa entablado, na ginampanan ang papel na Cinderella mula sa parehong pamagat na kuwento tungkol sa mga engkantada na inangkop bilang isang "dramang musikal na sayaw."[33][34]
2016–kasalukuyan
baguhinSi Aishwarya ang artistang Tamil na may pinakamaraming paglabas noong 2016 sa kabuuang 8 pelikula na kabilang sa pumatok sa takilya ang Aarathu Sinam, Hello Naan Pei Pesuren, Manithan at Dharma Durai. Kritikal na pinahalagaan siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Dharma Durai at Kuttrame Thandanai, kung saan nakipagtulungan siya sa direktor ng Kaaka Muttai na si Manikandan. Una siyang pinipili para sa pag-arte sa mga pagganap ng nakatuong papel sa industriya. Noong 2017, pumasok si Aishwarya sa mga pelikulang Malayalam at umarte sa dalawang pelikulang matagumpay sa takilya at kritiko, ang mga pelikulang Jomonte Suvisheshangal at Sakhhavu. Batay sa kanyang pagganap sa Kaaka Muttai, pinili ni Arjun Rampal si Aishwarya sa mapaghamong papel na Zubeida para sa pelikulang Daddy. Dahil dito, nangyari ang unang paglabas ni Aishwarya sa Hindi at kinilala para sa kanyang pagganap sa kanyang unang pelikulang Hindi.[35][36][37][38] Noong 2018, nakumpleto niya ang shooting para sa Idhu Vedhalam Sollum Kathai. Hindi pa naipapalabas ang pelikula noong Abril 2020.[39]
Bumida siya sa kanyang solong pelikula bilang isang manlalaro ng kriket sa Kanaa sa ilalim ng produksyon ni Sivakarthikeyan.[40] Muli niyang ginampanan niya ang kanyang papel sa muling pagsasagawa ng pelikulang Kousalya Krishnamurthy sa Telugu, na minarkahan ang kanyang unang bidang pagganap sa Telugu.[41] Bumida din siya sa mga pelikulang Namma Veettu Pillai at Vaanam Kottatum bilang kapatid.[42][43] Ginampanan niya ang isang magandang dilag ng nayon sa World Famous Lover.[44] Ginampanan niya ang isang babae na nawalan ng asawa sa Dubai sa pelikulang Ka Pae Ranasingam. Tungkol sa kanyang pagganap, binanggit ng isang kritiko na "Isang paghahayag si Aishwarya Rajesh. Pinapakita niya ang kawalan ng pag-asa, kawalan ng kapangyarihan, kahinaan, tapang at pagpupunyagi na may kadalian at kahanga-hangang paniniwala."[45]
Noong 2020, naging parte siya ng nabinbin na proyekto ni Gautham Menon na Dhruva Natchathiram. Napasali siya sa muling pagsasagawa ng Mundhanai Mudichu.[46] Noong 2021, nasangkot siya sa paggawa ng pelikulang Driver Jamuna.[47]
Pilmograpiya
baguhinPinapahawatig ang mga pelikula na hindi pa naipapalabas |
Mga pelikula
baguhinTaon | Pamagat | Ginampanan | Wika | Mga pananda | Sang. |
---|---|---|---|---|---|
1996 | Rambantu | Aishwarya | Telugu | Batang artista | [16] |
2010 | Neethana Avan | Nandhini | Tamil | Unang paglabas sa Tamil | |
2011 | Avargalum Ivargalum | Swetha | Tamil | ||
Uyarthiru 420 | Charu | Tamil | |||
Sattapadi Kutram | Sumathi | Tamil | |||
2012 | Vilayada Vaa | Anu | Tamil | ||
Attakathi | Amudha | Tamil | |||
Aachariyangal | Anu | Tamil | |||
2013 | Puthagam | Thara | Tamil | ||
2014 | Rummy | Sornam | Tamil | ||
Pannaiyarum Padminiyum | Malarvizhi | Tamil | |||
Kathai Thiraikathai Vasanam Iyakkam | Kanyang sarili | Tamil | Natatanging pagpapakita | ||
Thirudan Police | Poornima | Tamil | |||
2015 | Kaaka Muttai | Ang bidang ina ng kanyang anak | Tamil | ||
2016 | Aarathu Sinam | Mia | Tamil | ||
Hello Naan Pei Pesuren | Kavitha | Tamil | |||
Manithan | Jennifer | Tamil | |||
Dharma Durai | Anbuselvi | Tamil | |||
Kuttrame Thandanai | Swetha | Tamil | |||
Kadalai | Kalai | Tamil | |||
Parandhu Sella Vaa | Madhavi | Tamil | |||
Mo | Priya | Tamil | |||
2017 | Jomonte Suvisheshangal | Vaidhehi | Malayalam | Unang paglabas sa Malayalam | |
Mupparimanam | Kanyang sarili | Tamil | Kameyong pagpapakita | ||
Kattappava Kaanom | Meena | Tamil | |||
Sakhhavu | Janaki | Malayalam | |||
Gemini Ganeshanum Suruli Raajanum | Pooja | Tamil | |||
Daddy | Zubeida Mujawar / Asha Gawli | Hindi | Unang paglabas sa Hindi | ||
2018 | Lakshmi | Nandhini | Tamil | ||
Saamy 2 | Bhuvana | Tamil | |||
Chekka Chivantha Vaanam | Renuka Thyagarajan | Tamil | |||
Vada Chennai | Padma | Tamil | |||
Kanaa | Kousalya Murugesan | Tamil | |||
2019 | Vilambaram | Aishwarya | Tamil | ||
The Lion King | Nala (boses) | Tamil | Bersyong naka-dub | [48] | |
Kousalya Krishnamurthy | Kousalya Krishnamurthy | Telugu | Unang paglabas sa Telugu sa isang pangunahing pagganap | ||
Mei | Uthra | Tamil | |||
Namma Veettu Pillai | Thulasi | Tamil | |||
Mismatch | Mahalakshmi | Telugu | |||
2020 | Vaanam Kottatum | Mangai | Tamil | ||
World Famous Lover | Suvarna | Telugu | |||
Ka Pae Ranasingam | Ariyanachi | Tamil | |||
2021 | Thittam Irandu | Athira | Tamil | [49] | |
Boomika | Samyuktha Gowtham | Tamil | [50] | ||
Tuck Jagadish | Chandra | Telugu | [51] | ||
Republic | Myra Hanson | Telugu | [52] | ||
Driver Jamuna | iaanunsyo | Tamil | Ginagawa pa lamang ang pelikula | [47] | |
Mohandas | iaanunsyo | Tamil | Ginagawa pa lamang ang pelikula | [53] | |
I-aanusyo pa | Wala pang pangalan na muling pagsasagawa ng The Great Indian Kitchen | iaanunsyo | Tamil | Bilingguwal; ginagawa pa lamang ang pelikula | [54] |
Telugu | |||||
Dhruva Natchathiram | Ragini | Tamil | Nabinbin |
Bidyong pangmusika
baguhinTaon | Pamagat | Kasamang artista | Direktor | Sang. |
---|---|---|---|---|
2018 | Bodhai Kodhai | Atharvaa | Gautham Menon | [55] |
Telebisyon
baguhinTaon | Pamagat | Ginampanan | Telebisyon |
---|---|---|---|
2021 | Kanni Theevu Ullasa Ulagam 2.0 | Pagpapakita bilang bisita | Colors Tamil |
2007 | Asathapovathu yaru | Tagapagtanghal | Sun TV |
Mga parangal at nominasyon
baguhinTaon | Parangal | Kategorya | Pamagat | Resulta | Sang. |
---|---|---|---|---|---|
2015 | Ika-63 Filmfare Awards South | Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Kaaka Muttai | Nominado | |
Edison Awards | Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Nominado | |||
2016 | Ika-5 South Indian International Movie Awards | Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Nominado | ||
Unang IIFA Utsavam | Pagganap sa isang Pansuportang Papel - Babae | Nominado | |||
Norway Tamil Film Festival Awards | Pinakamahusay na Aktres | Nanalo | |||
2017 | Ika-64 na Filmfare Awards South | Pinakamahusay na Aktres sa isang Pansuportang Pagganap | Dharmadurai | Nominado | |
Ika-6 na South Indian International Movie Awards | Pinakamahusay na Aktres sa isang Pansuportang Pagganap – Tamil | Nanalo | |||
Tamil Nadu State Film Awards | Pinakamahusay na Aktres | Kaaka Muttai | Nanalo | [56] | |
Asiavision Awards | Pinakamahusay na Aktres – Maramihang wika | Pangkalahatan | Nanalo | ||
2018 | Ika-65 Filmfare Awards South | Pinakamahusay na Pansuportang Aktres – Malayalam | Jomonte Suvisheshangal | Nominado | |
2019 | Ananda Vikatan Cinema Awards | Pinakamahusay na Aktres | Kanaa | Nominado | |
Edison Awards | Batang Aktres na Nagbibigay ng Inspirasyon | Kanaa | Nanalo | ||
Edison Awards | Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Nominado | |||
Ika-8 South Indian International Movie Awards | Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Kanaa | Nominado | ||
Ika-8 South Indian International Movie Awards | Pinakamahusay na Aktres (Mga Kritiko) – Tamil | Nanalo | |||
Ika-66 na Filmfare Awards South | Pinakamahusay na Aktres - Tamil | Nominado | |||
Ika-66 na Filmfare Awards South | Pinakamahusay na Aktres (Mga Kritiko) - Tamil | Nanalo | |||
2020 | Zee Cine Awards Tamil | Pinakamahusay na Aktor - Babae | Nanalo | ||
Ananda Vikatan Cinema Awards | Pinakamahusay na Pansuportang aktres | Namma Veettu Pillai | Nominado | ||
Norway Tamil Film Festival Awards | Pinakamahusay na Pansuportang Aktres | Nanalo | [57] | ||
2021 | Ika-10 South Indian International Movie Awards | Pinakamahusay na Aktres (Mga Kritiko) – Telugu | World Famous Lover | Nanalo | [58] |
Pinakamahusay na Aktres – Telugu | World Famous Lover | Nominado | |||
Pinakamahusay na Aktres – Tamil | Ka Pae Ranasingam | Nanalo |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Photos: Aishwarya Rajesh celebrates birthday with children - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles).
- ↑ "Karthi all praise for 'Attakathi' - Tamil Movie News" (sa wikang Ingles). IndiaGlitz. 2012-07-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-29. Nakuha noong 2012-08-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "TN Govt. announces Tamil Film Awards for six years". The Hindu (sa wikang Ingles). Chennai, India. 2017-07-14. Nakuha noong 2017-07-14.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vada Chennai movie review: Live audience response – IBTimes India. Ibtimes.co.in (17 Oktubre 2018). Hinango noong 2019-01-03 (sa Ingles).
- ↑ "Kanaa Movie Review". Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Agosto 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jomonte Suvisheshangal: similar fare". The Hindu (sa wikang Ingles). 2017-01-20. Nakuha noong 2020-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Arjun Rampal's "Daddy" movie is a Arun Gawli biopic; releasing on 21st July" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2017. Nakuha noong 23 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kumar, Gabbeta (13 Marso 2019). "Aishwarya Rajesh's next Telugu film Kowsalya Krishnamurthy Cricketer goes on floors" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Photos: Aishwarya Rajesh celebrates birthday with children". The Times of India (sa wikang Ingles). 10 Enero 2020. Nakuha noong 2020-09-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aishwarya Rajesh on 'World Famous Lover': 'The way Telugu directors visualise female leads has changed'" (sa wikang Ingles). 10 Pebrero 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Pebrero 2020. Nakuha noong 11 Pebrero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aishwarya Rajesh debuts in Tollywood with Kousalya Krishnamurthy - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 Pecheti, AuthorPrakash. "Inspirational tale of Kausalya Krishnamurthy". Telangana Today (sa wikang Ingles).
- ↑ 13.0 13.1 13.2 Gupta, Rinku. "Dancing Her Way into Films" (sa wikang Ingles). The New Indian Express. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2013. Nakuha noong 4 Disyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aishwarya Rajesh was told she is not 'heroine material', faced harassment". The Week (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-09-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "I always break the rules". Chitradeepa Anantharam. The Hindu. 18 Hulyo 2017. Nakuha noong 12 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 "రాజేంద్ర ప్రసాద్ "రాంబంటు"లో నటించిన ఆమ్మాయి ఇప్పుడు ఎలా ఉందో చూశారా!". News18 Telugu (sa wikang Telugu). Nakuha noong 2021-04-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Attakathi actress Aishwarya Rajesh joins us in an exclusive chat! – Lifeandtrendz Naka-arkibo 2014-09-21 sa Wayback Machine.. Lifeandtrendz.com. Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ "TV host turned actress Aishwarya Rajesh shares a throwback video from her show Asatha Povathu Yaaru; see post - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rummy is a 1980s film" (sa wikang Ingles). Deccan Chronicle. 18 Mayo 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Oktubre 2013. Nakuha noong 4 Disyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vijay Sethupathi wanted Padmini!". The Times of India (sa wikang Ingles). 2 Pebrero 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2013. Nakuha noong 10 Mayo 2013.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 15 May 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Movie Review : Rummy. Sify.com. Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ Rummy (aka) Rummy review. Behindwoods.com (31 Enero 2014). Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ Movie review: Rummy makes for an engaging watch – Hindustan Times. Hindustantimes.com. Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ "Pannaiyarum Padminiyum"... Vehicle star | Baradwaj Rangan. Baradwajrangan.wordpress.com (8 Pebrero 2014). Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ Pannaiyarum Padminiyum: Vehicle star – The Hindu. Thehindu.com (8 Pebrero 2014). Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ Aaranya Kaandam makers begin Thirudan Police – The Times of India. Timesofindia.indiatimes.com (7 Disyembre 2013). Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ K., Janani K. (23 Mayo 2020). "Producer Suresh Chandra Bose: No Idam Porul Yaeval release in July, new date yet to be finalised". India Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-03-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kaaka Muttai: An outstanding debut. The Hindu (5 Hunyo 2015). Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ Film Review: Kaaka Muttai. Livemint. Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ Kaaka Muttai review: A small film with a big heart | movie reviews. Hindustan Times (4 Hunyo 2015). Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ Kaakka Muttai: This National Award-winning, charming film about 2 slum kids is a must-watch. Firstpost (5 Hunyo 2015). Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ 'Kaaka Muttai' review: A film that will make you crow with joy | Zee News Naka-arkibo 2015-06-07 sa Wayback Machine.. Zeenews.india.com (5 Hunyo 2015). Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ All set for stage debut – Chennai. The Hindu (4 Pebrero 2015). Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ Ganesh Venkatram makes a successul sic] theatre debut – Times of India. Timesofindia.indiatimes.com (8 Pebrero 2015). Hinango noong 1 Pebrero 2016 (sa Ingles).
- ↑ "Daddy movie review: Arjun Rampal's intense act elevates Ashim Ahluwalia's brave biopic". Firstpost (sa wikang Ingles). 8 Setyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Arjun Rampal's Daddy Review: Visuals stand out in this gangster drama". India Today (sa wikang Ingles). 8 Setyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Daddy movie review: A flawed tale of an unsung don". Deccan Chronicle (sa wikang Ingles). 8 Setyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Critics' Verdict: 'Daddy' Is Zara Hatke From Usual Gangster Films". The Quint (sa wikang Ingles). 8 Setyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Naragasooran to Rendavathu Padam: Here are some films we would love to see on OTT". The New Indian Express (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-03-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aishwarya Rajesh: My gut told me Kanaa was worth taking up" (sa wikang Ingles). 4 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aishwarya Rajesh debuts in Tollywood with Kousalya Krishnamurthy - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles).
- ↑ Adivi, Sashidhar (13 Mayo 2019). "Aishwarya Rajesh takes up sister's role". Deccan Chronicle (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Vaanam Kottattum' actress Aishwarya Rajesh on playing the role of actor Vijay's sister in the film - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles).
- ↑ Chowdhary, Y. Sunita (10 Pebrero 2020). "Aishwarya Rajesh on 'World Famous Lover': 'The way Telugu directors visualise female leads has changed'" (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng www.thehindu.com.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ka Pae Ranasingam review: Aishwarya Rajesh shines in this biting political drama" (sa wikang Ingles). 3 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sasikumar, Aishwarya Rajesh in 'Mundhanai Mudichu' remake". The News Minute (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 47.0 47.1 "Aishwarya Rajesh begins shooting for 'Driver Jamuna'!". Sify (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-14. Nakuha noong 2021-04-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aishwarya Rohini Robo Shankar and Manobala join the tamil voice cast of the lion king" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Hulyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Thittam Irandu' movie review: Aishwarya Rajesh-starrer makes for a decent watch". Deccan Herald (sa wikang Ingles). 2021-07-30. Nakuha noong 2021-07-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aishwarya Rajesh's 25th film titled 'Boomika'". The New Indian Express (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-09-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Tuck Jagadish' teaser on Feb 23: Nani switches to action mode in new poster". Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sai Dharam Tej and Aishwarya Rajesh wrap up shoot for Deva Katta's Republic". Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Indrajith Sukumaran wraps up Mohandas. Vishnu Vishal calls him a great human being". India Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-05-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rahul Ravindran to reprise Suraj Venjaramoodu's role in the Tamil remake of 'The Great Indian Kitchen'". Sify (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ondraga Entertainment (14 Hunyo 2018). "Bodhai Kodhai - Single Gautham Vasudev Menon, Karthik, Karky, Atharvaa, Aishwarya Rajesh" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Abril 2020 – sa pamamagitan ni/ng YouTube.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "TN Govt. announces Tamil Film Awards for six years". The Hindu (sa wikang Ingles). Chennai, India. 14 Hulyo 2017. Nakuha noong 14 Hulyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "11th NTFF 2020 – Winners list of Awardees – Tamilar Viruthu – Tamil Nadu | NTFF" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-26. Nakuha noong 2021-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SIIMA Awards 2021: Here Is The Complete Winners List Of Day 2". The Hans India (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)