Mga Aklanon

pangkat etniko sa kapuluan ng Panay
(Idinirekta mula sa Aklanon)

Ang mga Aklanon o mga Akeanon ay ang pangkat-etnoligguwistiko na pangunahing naninirahan sa lalawigan ng Aklan sa Pilipinas. Bahagi sila ng mas malawak na pangkat-etnoligguwistikong Bisaya, na binubuo ng pinakamalaking pangkat-etnoligguwistiko sa Pilipinas..

Mga Aklanon
Isang pangkat ng mananayaw na sumasayaw sa pistang Ati-Atihan noong 2007
Kabuuang populasyon
559,416[1]
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Pilipinas Pilipinas:
Aklan
Panay; Kalakhang Maynila, Mindanao, Romblon
Wika
Aklanon/Malaynon/Akeanon, Hiligaynon, Kinaray-a, Tagalog, Ingles
Relihiyon
Nakakarami ang Romano Katoliko
at minorya ang mga Protestante Pat iba pa
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Mga Pilipino (Ati, Karay-a, Capiznon, Hiligaynon, Romblomanon, Ratagnon, ibang mga Bisaya), mga Austronesyo

Demograpiya

baguhin

Nasa lalawigan Aklan sa Panay ang karamihan ng mga Aklanon. Matatagpuan din sila sa ibang lalawigan ng Panay tulad ng Iloilo, Antique, at Capiz, gayon din sa Romblon. Tulad ng ibang mga Bisaya, mayroon din populasyon sa Kalakhang Maynila, Mindanao, at kahit sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos.

Bumibilang ang mga Aklanon sa 559,416 sa Pilipinas ayon sa senso noong 2010.[1] Kultural na malapit sila sa mga Karay-a at mga Hiligaynon. Nakikita ang pagkakatulad na ito sa kanilang mga kustombre, tradisyon, at wika.

Kalinangan

baguhin

Namumuhay ang karamihan sa mga Aklanon sa agrikultura habang yaong mga malapit sa baybayin ay nangingisda. Gumagawa din sila ng mga gawang-kamay. Mayaman din sila sa musika, tulad ng mga awiting panliligaw o kundiman, himno sa kasal, at pagsalaysay sa mga burol. Pati rin sa sayaw, mayaman ang kanilang kalinangan.

Mga wika

baguhin

Nagsasalita ang mga Aklanon ng mga wikang Aklan na kinabibilangan ng Aklanon at Malaynon. Sinasalita din ang mga wikang Ati at Kinaray-a. Pang-rehiyong wika naman ang Hiligaynon habang opisyal na wika naman ang Tagalog at Ingles na tinuturo sa paaralan.

Lutuin

baguhin

Ang dalawang pangunahing lutuin na nakakabit sa mga Aklanon o sa lalawigan ng Aklan ay ang Inubaran[2] at Binakol.[3][4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) - Philippines" (PDF). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 19 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Polistico, Edgie (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Inc. ISBN 9786214200870.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Chicken Binakol: Subtly Sweet Tinola With Coconut". CASA Veneracion (sa wikang Ingles). 2018-11-13. Nakuha noong 2019-07-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Chicken Binakol | Panlasang Pinoy Meat Recipes" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)