Ang akwaryum o akwaryo ay isang uri ng lalagyan ng tubig at alagang isda o anumang hayop na pantubig at mga halaman. Ginagamit din itong kulungan ng mga alagang daga.[1] Iniingatan ng mga tao ang isang akwaryum na maaaring isang maliit na tangke, o isang malaking gusali na may isa o higit pang malalaking tangke.

Isang akwaryum.

Ang pag-iingat ng akwaryo ay isang sikat na libangan sa buong mundo. Tinitiyak ng mga maingat na akwarista (mga taong nag-iingat ng mga akwaryo) na nabubuhay ang kanilang mga isda sa isang kapaligiran na katulad ng kanilang mga natural na tirahan. Nangangahulugan ito ng pangangalaga sa kalidad ng tubig, ilaw, at pagkain.

Ang mga maliliit na akwaryo ay inilalagay sa bahay ng hobbyist o mga nahuhumaling sa libangan habang ang malalaking pampublikong akwaryum ay madalas na sikat sa mga turista. Ipinakikita nila ang mga isda at iba pang hayop na iniingatan nila sa malalaking tangke, at madalas ding pinoprotektahan ang mga espesye na malapit nang maubos. Ang isang malaking aquarium ay maaaring may mga nutriya,[2] lumba-lumba,[3] pating,[4] penguino,[5][6] karnerong-dagat,[7] at balyena.[8] Mayroon ding mga halaman ang maraming mga tangke ng akwaryum. Matatagpuan ang malalaking pampublikong akwaryum sa maraming lungsod. Isang halimbawa ng pampublikong akwaryum ay ang Akwaryum ng Sydney sa Sydney, Bagong Timog Wales, Australya.

Kasaysayan

baguhin

Ang tirahan ng artipisyal na isda ay mayroon na noong unang panahon. Nag-iingat ang mga taga-Sumerya ng mga isda sa mga lawa bago ito lutuin. Nilikha ang katawagang aquarium (Ingles ng akwaryo) ng naturalistang Ingles na si Philip Henry Gosse, na pinagsasama ang Latin na ugat na aqua, ibig sabihin ay 'tubig', na may hulaping -arium, ibig sabihin ay 'isang lugar para sa may kaugnayan sa'.[9] Ang salitang Tagalog na akwaryum ay hango sa Ingles na salita habang ang akwaryo ay hango sa salitang Kastila na acuario.

Ganap na binuo ang prinsipyo ng akwaryum noong 1850 ng kimiko na si Robert Warington, na ipinaliwanag na ang mga halaman na idinagdag sa tubig sa isang lalagyan ay magbibigay ng sapat na oksihino upang suportahan ang mga hayop, hangga't hindi dumami ang bilang ng mga hayop nang masyadong malaki.[10] Nailunsad ang pagkahumaling sa akwaryum noong unang bahagi panahong Victoriyanong Inglatera ni Gosse, na lumikha at nagreserba ng unang pampublikong akwaryo sa Zoo ng Londres noong 1853, at naglathala ng unang manwal, The Aquarium: An Unveiling of the Wonders of the Deep Sea noong 1854.[10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. "Sea Otters". Monterey Bay Aquarium (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Dolphins". Clearwater Marine Aquarium (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kaplan, Mike (16 Pebrero 2020). "10 Largest Aquariums in the World". Touropia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Baker, Lev (2023-02-28). "Discover 5 Incredible Aquariums and Zoos with Penguins". AZ Animals (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-05-01. Nakuha noong 2023-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Penguins". www.montereybayaquarium.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Pinnipeds in captivity". www.pinnipeds.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Marine mammals in captivity". The Humane Society of the United States (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "aquarium". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles). "Definition of aquarium - Merriam-Webster Online Dictionary". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-04. Nakuha noong 2007-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 Grier, Katherine C. (2008). Pets in America: A History (sa wikang Ingles). University of North Carolina Press. p. 53.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)