Alfonso Umali, Jr.

Pilipinong politiko
(Idinirekta mula sa Alfonso Umali Jr.)

Si Alfonso Umali Jr. (ipinanganak 29 Abril 1955 sa Maynila, Pilipinas) ay isang politiko sa Pilipinas.

Alfonso Umali, Jr.
MamamayanPilipinas[1]
Trabahopolitiko[1]
Opisinamiyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (30 Hunyo 2019–30 Hunyo 2022)[1]
miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (30 Hunyo 2022–)

Nakatira si Umali sa Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro at may bahay sa Cainta, Rizal.

Nag-aral si Umali sa San Beda College para sa elementaryang edukasyon at natapos noong 1969. Sa Oriental Mindoro High School naman ang kanyang sekondaryang edukasyon at natapos noong 1973. Noong 1978, nagtapos siya sa kursong Batsilyer ng Agham sa Arkitektura sa University of Santo Tomas.

Sa mga taong 1992 hanggang 2001, naging Tagapag-ugnay at Tagapamahalang Panlalawigan ng Tanggapan ng Tanggulang Pang-Sibil ng lalawigan ng Oriental Mindoro. Kasapi si Umali sa United Architects of the Philippines at Rotary Club of Pinamalayan.[2]

Kasalukuyan sa ngayong Kinatawan ng ikalawang distrito ng Oriental Mindoro sa ilalim ng Partido Liberal.

Mga sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.